Sanggol, Isinilang na May Isang Mata

ISANG SANGGOL na may iisang mata ang isinilang sa Barangay Health Center sa Sta. Cruz, Palanas, Masbate.

Higit dalawang oras lang ang itinagal ng babaeng sanggol na bukod sa isang mala-king mata sa noo ay wala ring ilong.

Sinabi ng widwife ng health center na nahirapang huminga ang nasabing sanggol na naitakbo pa sa pagamutan subalit binawian din ng buhay.

Napag-alaman na dating xerox machine operator ang ina ng bata na si Gretchen Abad mula sa ika-apat hanggang ika-pitong buwan niyang pagbubuntis.

Ayon sa mga manggagamot, posibleng naapektuhan ng radiation ng photocopying machine ang development stage ng sanggol.

Samantala, napag-alam ding isang cartoon character sa kanyang cell phone ang araw-araw na gustong tingnan ng ina habang ipinagbubuntis ang sanggol.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.