Sanggol, Iniwan sa Palayan

ISANG BAGONG silang na sanggol ang nadiskubre ng isang residente na iniwan sa tabi ng palayan sa Barangay Curuan sa Zamboanga City.

Sinabi ng 19-anyos na si Shirmaine Guevarra Nuño na papunta na siya sa bayan at habang naglalakad siya sa tabi ng palayan, napansin umano niya ang bagong silang na sanggol na lalaki na ibinalot sa kumot.

Kaagad namang dinala ni Guevarra sa pagamutan ang nakitang sanggol na may dugo pa sa katawan at hindi pa naputulan ng umbilical cord.

Sa kasalukuyan ay na-turn-over na sa kustodiya ng Recreation and Study Center for Children ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa may Barangay Talon-Talon ng lungsod ang nasabing sanggol.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Women’s and Children Protection Desk ng Zamboanga City Police Office sa mga opisyal ng naturang barangay para matukoy ang iresponsableng magulang na nag-iwan sa kanyang sanggol sa palayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.