Sanggol, Iniwan sa Estante ng Ulam

ISANG SANGGOL na lalaki ang idinispatsa sa isang karinderya sa Barangay South Triangle, Quezon City.

Ayon sa impormasyon, natagpuan ang naturang sanggol na iniwan sa estante ng isang karinderya.

Nakadamit, naka-diapers at may gatas ang sanggol nang makita sa estante ng mga ulam, alas-5:15 ng madaling-araw.

Tinataya namang isang linggo pa lamang ang edad ng sanggol na nakakabit pa ang pusod.

Wala namang sulat ang nag-iwan sa sanggol. Mayroon lamang nakaburdang katagang “Uri” sa damit nito.

Samantala, agad namang tumugon si Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman para madala sa kagawaran ang sanggol pero nagboluntaryo ang barangay na sila na ang magdala sa Reception and Study Center for Children sa Barangay Bago Bantay.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.