Sandiganbayan, Naglabas ng Warrant of Arrest Vs. Ex-Rep. Acosta

NAGLABAS NG warrant of arrest ang Sandiganbayan laban kay dating Bukidnon Rep. Nereus Acosta at sa kanyang ina kaugnay sa kasong perjury.

Pinirmahan ni Sandiganbayan Fifth Division chairman Associate Justice Roland Horado ang pagpapalabas ng nasabing warrant of arrest laban sa presidential adviser at kanyang inang si Ginang Soccoro Acosta.

Ang kasong perjury laban kay Acosta at sa kanyang ina ay nag-ugat sa umano’y paglilipat ng P5.5 milyong priority development assistance fund (PDAF) sa Bukidnon Vegetable Producers Cooperative, isang pribadong kumpanya na kontrolado ng kanyang pamilya.

Pinalabas din umano na aprubado ito ng Sangguaniang Bayan ng Manolo Fortrich.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.