Sandigan Justice, dawit kay Napoles

UMAPELA SI Sandiganbayan Senior Justice Gregory Ong sa Supreme Court (SC) na siyasatin ang sinasabing koneksyon nito kay Janet Lim-Napoles na sangkot sa kontrobersyal na P10 bilyong pork barrel fund scam.

Kasunod na rin ito ng paglabas ng kanyang litrato kasama sina Sen. Jinggoy Estrada at Napoles maliban pa sa testimonya ng whistleblower na si Marina Sula sa Senate Blue Ribbon Committee.

Base sa ipinadala nitong liham kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, iginiit ni Ong na nais nitong linisin ang kanyang pangalan para hindi maapektuhan ang kaniyang reputasyon bilang hukom at nais din nitong protektahan ang Sandiganbayan.

Agad namang ni-refer ni Sereno ang isyu sa SC en banc sa pamamagitan ng isang pahinang sulat sa mga mahistrado.

Si Ong ay isinasangkot sa anomalya na may kaugnayan kay Napoles dahil sa pagbasura nito sa kasong may kinalaman sa mga Kevlar helmet.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.