Sandara Park, nasa ‘Pinas?!

MUKHANG NARITO SA bansa ngayon si Sandara Park. May nakakita kasi sa Korean singer habang namamasyal kasama ang mga kaibigan at relatives. Ka-join din daw ni Sandara ang kapatid niyang si Durami na rumarampa.
Makipagkita kaya si Sandara sa ex-boyfriend niyang si Joseph Bitangcol na balitang-balita super depressed ngayon dahil walang masyadong karaketan sa showbiz? Tulungan kaya niya ang ex-BF na higit kailanman ay ngayon kailangan ang
suporta?

Matagal ding naging magdyowa sina Sandara at Joseph noon. Talagang pinili ni Sandara si Joseph over her career kaya naman sumemplang siya. Pero nakabawi naman ang dalaga at naging big star siya sa Korea.

Ngayong up na up ang career ni Sandy, maisip kaya ni Joseph ang panghihinayang na pinakawalan pa niya ang dalaga?
PARANG NABUGBOG ANG mga hita ni KC Concepcion dahil sa dance rehearsal na ginawa niya para sa birthday presentation ng kanyang inang si Sharon Cuneta.

Talagang kinarir ni KC ang kanyang production number at hindi siya nagreklamo kahit na masakit na ang kanyang katawan. Sa photo na nakita namin sa isang website, kitang-kita ang mga pasa sa mga binti ng singer-actress. Kung wala ngang accompanying story ang photo ng mga hita ni KC, maiisip mong binugbog ito.

Ano kaya ang dance number na ginawa ng hitad at nagkaganoon ang kanyang mga hita? Kaabang-abang kaya ito? Well, malalaman natin ‘yan kapag ipinalabas na ang birthday presentation ni Sharon.

BACK TO ACTING ang beauty ni Janice de Belen na gumaganap bilang ina ni Heart Evangelista sa Dwarfina ng GMA-7. Ikatlong soap na ni Janice ito pagkatapos matsugi ang talk show niyang Sis.

“Third soap ko na ito sa GMA-7. I realize na after doing it for a long time, na-miss ko ‘yung umaarte,” tsika ni Janice sa amin.

Hindi ba niya na-miss ang umagang hosting na ginagawa niya daily noon sa Sis?
“Nakaka-miss pero it’s pointless to miss something when it’s not there anymore, so I might as well do what’s there. Saka nagagawa ko pa rin naman ‘yung hosting in a different network.”
Kahit na walang boyfriend ngayon si Janice matapos siyang hiwalayan ng kanyang dyowa a few years ago, hindi naman naging jaded ang aktres sa pag-ibig.

“Bakit naman ako magiging jaded? Buhay pa ako, eh? Wala namang nanliligaw sa akin, eh.”

Iba na ang pananaw ni Janice ngayon kapag pag-ibig ang pinag-uusapan. Hindi na siya ang tipong maghahanap ng lalaki para sa kanya.

“Iba na ang theory ko ngayon. You don’t look for love. They gotta find you. Even if I’m under a rock… even if I live under a rock… even if I’m in somewhere small… kahit na sa bahay ni Dwarfina, matatagpuan ako.”

Speaking of Janice, lola na naman for the second time ang aktres dahil buntis muli ang kanyang manugang. Hindi pala siya nakikialam sa buhay ng kanyang anak lalo pa’t nag-asawa na ito.
“My opinion has no bearing. Once nag-asawa sila, it’s their life already. I’m just there to spoil my grandchild. That’s about it. ‘Yun lang ‘yung tanging job ko. Pero hindi ko pa siya masyadong ma-spoil kasi maliit pa, eh.”


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “Sandara Park, nasa ‘Pinas?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.