SANDARA PARK, MISS NA MISS NA ANG ‘PINAS!

NAKAKATAKOT ITONG NANGYARI kay Gov. Vilma Santos na nabalitang in-ambush daw nung nakaraang linggo. Nung Sabado pumutok ang balita.

Totoong may ambush na nangyari, pero mabuti’t wala pala siya sa kotseng ‘yon. Sa kasamaang palad, ang executive assistant at driver niya ang na-ambush. Namatay daw ‘yung driver

Hindi pa nagsalita si Vilma tungkol dito, pero nakumpirma ito ng Tweetbiz Insiders kay Kris Aquino na isa raw sa nag-alala nang nabalitaan ‘yon. Kaagad daw na nag-BBM ito kay Vilma, mabuti at nasagot ito agad. Ibinalita nga raw niya kay Kris ang nangyari.

Hindi kaya si Vilma talaga ang puntirya ng ambush? Kaya dapat na extra ingat ito dahil delikado pala ang kalagayan niya.

Noon pa man ay sinasabi na ni Vilma na hindi na siya nagugulat sa mga natatanggap niyang death threats, kaya nag-iingat na rin ito at may guwardiya talaga siya. Pero konti lang yata ang bodyguards niya, kaya dapat na magdagdag pa siya.

KUNG NAPANOOD NINYO ANG Tweetbiz Insiders nung Lunes, matutuwa kayo para kay Sandara Park dahil bongga na pala talaga ang career niya sa Korea. Na-meet ni Tim Yap ang Koreana nang pumunta ito ng Korea at nagpaunlak itong i-cover ang shoot ng isang endorsement niya.

Sikat na sikat doon si Sandara dahil napabilang ito sa sikat na all-female group na ‘2NE1’. Nagbigay din ng mensahe si Sandara sa kanyang mga followers dito sa Pilipinas at sana raw ay matuloy na ang plano nilang pumunta rito ang grupo niya para mag-concert.

Ang pagkakaalam ko, dumalaw na rito si Sandara sa ilan niyang mga kaibigan, pero hindi nga lang kasama ang grupo niya. Kaya nga wish niyang sa susunod na pagpunta rito ay may concert na sila.

Nakakatuwa si Sandara dahil ang galing pa ring mag-Tagalog. Inamin niyang miss na miss na rin niya ang Pilipinas kahit sikat na sikat na siya sa Korea.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.