Sandamakmak na Bonus: Inamin ng MWSS Execs

EXECSSUMALANG ANG MGA opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewarage System (MWSS) sa imbestigasyon ng Senado sa sobra-sobrang suweldo at benepisyong natatanggap ng ilang opisyales ng government-owned and -controlled corporations (GOCCs) kahapon.

“You were paid 25 months and 12 months’ basic (salary). That’s a total of 37 months in a year,” ayon kay Senador Franklin Drilon.

Hindi makapaniwala ang co-chairman ni Drilon na si Senador Ralph Recto na nagkakaroon ng sobra-sobrang bonus ang mga empleyado ng MWSS habang ang nasabing ahensiya ay walang pera.

“Hindi ba dapat if you have losses, hindi dapat magbigay ng ganu’n karaming bonuses?” ayon kay Recto.

Bago pa man ito, kinukuwestiyon na ni Drilon si Oscar Garcia, board chairman ng MWSS hinggil sa pagtanggap nito ng mahigit P5.4 milyon sa pagdalo ng 47 meetings nang nag-iisa noong taong 2009.

Walang ibang hinahawakang executive position si Garcia sa ahensiya maliban sa pagiging chairman nito ng board, pero nakatatanggap ito ng mahigit P14,000 kada meeting.

“The board met 47 times in 2009 or at least once a week. We have five meetings usually per month,” ani Garcia.

Marahil dahil sa ito ang naging forefront of the calamity noong sumalanta sa bansa ang bagyong Ondoy, ayon pa rin kay Drilon.

Lumilitaw din sa pagtingin ni Drilon na nagkakaroon ng board meeting dalawang beses sa isang araw.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.