Sanction Kontra ‘Pinas, Pinaaalis na ng Taiwan

PINAAALIS NA ng Taiwan Foreign Ministry ang ipinataw na sanction laban sa Pilipinas.

Ito’y matapos irekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) na kasuhan ng homicide ang walong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na sangkot sa pamamaril na nagresulta sa pagkasawi ng isang mangingisdang Taiwanese sa Balintang Channel noong Mayo 9.

Kasabay nito, kinasuhan na rin ng mga Taiwanese prosecutor ang walong tauhan ng Coast Guard.

Samantala, simboliko lamang ito. Dahil sakop ng ating bansa ang pinangyarihan ng insidente, sa Pilipinas lang maaaring litisin ang mga salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.