SAMTIN FOREVER: Fans nina Sam Milby at Toni Gonzaga, nabitin sa ‘Mary, Marry Me’!

Sam Milby and Toni Gonzaga

MARAMI ang natuwa nang mapabalita na magsasama muli sa isang pelikula sina Sam Milby at Toni Gonzaga nang i-announce ito ng Ten17P in the middle of 2018. More than nine years pa kasi nang huling nagsama ang dalawa sa isang movie project. 

Kung matatandaan pa, si Sam Milby ang hottest PBB Season 1 graduate na mukhang sinadya pa nga ng mga tao na huwag siya iboto para makalabas na at makagawa na ng regular shows. Ang chemistry din ng then new Kapamilya (dating taga-GMA si Toni) ay nakita agad ng fans and before you know it, may pelikula nang niluluto for them. Ito ang very successful romcom movie na ‘You Are The One’. Nasundan ito ng You Got Me with Zanjoe Marudo at ‘My Big Love’ with Kristine Hermosa. May family comedy film din sila with ERAP, Ai Ai and Mommy Dionisia. Magkasama rin sila sa ‘Four Sisters and a Wedding’, pero hindi sila ang magkapareha.

Magandang reunion project ang ‘Mary, Marry Me’ para kina Sam at Toni. Kahit na nakakaaliw din naman si Alex Gonzaga, hindi mo maipagkakaila na iba ang kilig tuwing sina Sam at Toni ang nasa eksena.

Ang wish ng fans ay sana ay magkaroon ulit ng pelikula sina Sam at Toni na mas romance na ang focus dahil nabitin naman sila talaga. Ngayon na may sarili nang production company si Toni (TinCan Production under Paul Soriano’s Ten17P), I assume na may nakabangko nang concept si Mrs. Soriano for another possible SAMTIN project.

Toni Gonzaga, Sam Milby and Alex Gonzaga

Anyway, nakakamiss mapanood si Toni sa RomCom. Sa katunayan nga, para sa akin ay siya ang Sandra Bullock natin kaya tuwang-tuwa ako nang gawin niya noon ang ‘You’re My Boss’ with Coco Martin. Puwede rin siya magproduce ng movie for her sister Alex na talagang magsa-swak sa kanya.

Palabas pa rin ang ‘Mary, Marry Me‘ kaya go and watch na!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.