Sampal ni Lorna Tolentino, ininda ni Gabby Concepcion by Julie Bonifacio

Nag-react talaga si Manay Lolit Solis sa  bangs ni Gabby Concepcion sa bagong teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN na Dahil May Isang Ikaw kasama ang isa pa niyang talent at  tinaguriang grandslam queen na si  Lorna Tolentino. Nag-worry naman si LT nu’ng sampalin niya si Gabby sa isang eksena nila dahil sa na balitang tumabingi ang mukha ng aktor.

“Naku, naawa ako kay Gabby doon sa eksena namin na sinampal ko siya. Bale take two ‘yun,e.  So, kailangan bigay talaga.  Nagsabi na ako kay Gabby na masakit ako’ng sumampal bago kami mag-take. Sabi niya okey lang.  Naawa naman ako sa kanya kasi after ng take namula talaga ang pisngi ni Gabby. Pero hindi ko naman inabot ‘yung tenga niya. Sinigurado ko naman na hindi aabot dahil alam ko ‘pag umabot ‘yun, mabibingi siya,” natatawang kwento ni LT.

Makakasama sa unang pagkakataon ni LT sa serye sina Jericho Rosales, Kristine Hermosa, ang pamangkin niyang si Karylle, John Estrada at si Sid Lucero na anak ng dating leading man niya na si Mark Gil. As for LT’s kids na sina Ralph at Renz,  okey lang sa kanya na mag-artista sila. Ina-advise nga niya si Ralph na i-try ang pag-aartista since nag-aaral naman siya ng filmmaking. Pero mas gusto raw talaga ni Ralph ang behind-the-scenes.

Si Renz naman ay  seryoso sa kanyang pag-aaral sa UP ng kursong Psychology. Ipinangako raw kasi niya sa kanyang Papa Rudy na tatapusin niya ang kanyang pag-aaral. Ayaw rin naman ni LT na maabala si Renz sa kanyang pag-aaral dahil candidate for cum laude raw ang kanyang bunso.

Sa ngayon, gusto ni LT na mag-ipon para makabili ng lupa na papatayuan niya ng bahay later on. Hanggang ngayon pala ay  hindi pa rin ginagalaw ni LT ang mga gamit ni  Daboy. Hindi pa rin daw niya kaya. Madalas sa gabi  kapag mag-isa siyang natutulog sa kanilang kama ay umiiyak pa rin siya. Humihingi na lang siya ng lakas ng loob sa Maykapal sa paggising niya sa umaga.

Pinabulaanan ng aming source ang alegasyon na kinopya ni Karen Davila sa libro ni Angela Stuart Santiago na Himagsikan sa EDSA-Walang Himala! ang mga sinabi niya sa documentary show na “Laban ni Cory” sa ABS-CBN.  Ayon sa aming source, kinuha ng ABS-CBN si Karen na mag-host para sa ‘Laban ni Cory’ documentary program kasama  ang iba pang news personalities sa Kapamilya network gaya nina Korina Sanchez at  Ces Drilon. Isa lamang host si Karen sa naturang programa at hindi siya ang sumulat ng kanyang sinabi sa show.

May sariling writers and researchers din daw ang “Laban ni Cory” documentary show  na siyang  sumulat ng spiels niya para sa kanyang segment. Pagkatapos gawin ang materyal, dumaraan pa raw sa ilang ehekutibo ng show ang naturang script bago maaprubahan at basahin sa ere.

Diin ng aming source, hindi si Karen ang nagsulat ng research material o script  na binasa niya sa “Laban ni  Cory” kaya hindi siya ang dapat akusahan  ng plagiarism.  Kinuha lamang siya sa programa bilang host at ni hindi nila dapat pakialaman ang nakalagay sa script na kanilang binasa.

Hindi naman siguro itataya ni Karen ang kanyang reputasyon at kredibilidad sa ganitong gawain. Habang tinitipa namin ang aming kolum meron na raw ginagawangimbestigasyon ang ABS-CBN news department  sa insidenteng ito.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

5 thoughts on “Sampal ni Lorna Tolentino, ininda ni Gabby Concepcion by Julie Bonifacio

  1. im sure top rater ang dahil may isang ikaw! iba talaga ang chemistry ng tin-echo. and i could watch gabby for hours!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.