Same-sex marriage sa Baguio, kinondena ng mga religious group

BAGUIO CITY – MARIING kinokondena ng iba’t ibang religious group sa lungsod ng Baguio at lalawigan ng Benguet ang kauna-unahang same sex mass wedding sa bansa na isinagawa sa Baguio.

Labag sa batas ng Pilipinas at sa utos ng Bibliya ang nasabing kasalan ng parehong kasarian, ayon kay Pastora Resurrection Montenegro ng Evangelical Christian Community sa Baguio at Benguet.

Hindi matatawag na morally binding at holy union ang nasabing kasalan dahil wala itong basbas mula sa Diyos, ani Montenegro. Dahil dito, sinabi nito na nag-organisa na ang kanilang grupo ng protesta laban sa nasabing aktibidad.

Kasama sa mga kumokondena rito ay ang Association of Metro Baguio Christian Ministers, Benguet Evangelical Association of Ministers, La Trinidad Evangelical Association of Ministers at Good News Community Church at iba pa.

Sinabi pa ni Pastora Montenegro, nakatakdang ipalabas nila sa mga diyaryo sa mga susunod na araw ang kanilang pananaw ukol sa same-sex marriage.

Una nang sinabi ni Pastor Mike Sotero ng Metropolitan Comunity Churches na morally binding ang pamumuno nito ng holy union o kasalan ng mahigit sa 10 magkakapareha bilang pagkilala sa kalayaan at karapatan ng mga bakla at tomboy na magmahal.

“More and more couples are applying to be unified. This soon, there are at least 50 more couples from Manila wanting to be solemnized,” ani pa ni Sotero. (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.