Samar Rep. Emil Ong, Inendorso Para sa Senatorial Line-Up ng UNA

 

OPISYAL NA inendorso si Samar Representative Emil Ong ng mga miyembro ng Advocates for Good Governance (AGG) para isama sa senatorial line-up ng United Nationalists Alliance (UNA). Ang AGG ay binubuo ng mga dating miyembro ng 8th, 9th at 10th Congress at dating mga gobernador, mga mayor at iba pang locally-elected officials.

Sa isang pormal na resolusyon na ibinigay kina Bise-Presidente Jojo Binay, dating Presidente Joseph Estrada at Senate President Juan Ponce Enrile, bilang mga pinuno ng UNA, inihayag ng mga miyembro ng AGG ang panganga-

ilangan ng kinatawan ng Region 8 sa Senado, gayundin ang outstanding record ni Cong. Ong bilang mambabatas at dating delagado sa Constitutional Convention.

Si Cong. Ong ay isang CPA/lawyer at natapos niya ang kanyang graduate studies sa Asian Institute of Management. Sumailalim din siya sa program of instruction for lawyers sa Harvard Law School. Law professor siya sa Far Eastern University, San Sebastian College, Lyceum of the Philippines, at sa Centro Escolar University kung saan nagtuturo naman siya ng Accounting at Law.

Si Cong. Ong ay taga-Northern Samar, isa sa pinakamahirap na probinsiya sa Eastern Visayas (Region 8) na walang kinatawan sa Senado sa nakalipas na 40 taon.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.