Sam Pinto, tinatarget sina Jake Cuenca at Gerald Anderson? – Boy Abunda

HINDI PA MAN kumpirmado ang real score between Jake Cuenca and Melissa Ricks, may balita na naman about Jake’s love-escapade.

Sam Pinto, a model and Pinoy Big Brother Double Up’s former housemate, recently admitted on The Buzz that she dated Jake. Hindi nga lamang lumevel-up ang kanilang umuusbong na relasyon dahil naging abala si Jake sa teleseryeng Tayong Dalawa na kanyang pinagbidahan kasama sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Naglahong parang bula si Jake that time so Sam was asked if she was hurt when he suddenly stopped seeing her. She replied, “A bit. After that wala na.” Hanggang ngayon ay wala raw silang komunikasyon ni Jake. She is now okay and happy for Jake’s successful career. Sa tingin ko ay hindi naman siya umaasa na madurugtungan pa ang naudlot nilang samahan but it is also never too late for a second chance. Ano naman kaya ang masasabi ni Jake about this revelation?

Sam is very pretty. Puwede nga siyang maging artista kung gugustuhin niya. She has the looks and the height. She is also a fashionista who studies Fashion Design at the College of St. Benilde. Nagamit niya ang talento sa dress-making sa mga special tasks ni Kuya gaya nang pinagawa sila ni “Super G” Annina Ucatis ng mga damit na irarampa nilang dalawa sa harapan ng mga housemates. She designed her tiger prints-inspired outfit na napanood sa kanilang New Year concert titled “Pinoy Big Blast 2010: A Roaring Concert.”

Kung sakali mang sumabak sa showbiz si Sam, sino ba ang gusto niyang makatrabaho? “Si Gerald Anderson,” she replied. Ano naman kaya ang comment ng mga Kimeralds tungkol dito? Incidentally, magkaibigan sina Jake and Gerald who worked together in Tayong Dalawa and Sana Maulit Muli.

Despite Sam’s pretty face ay parang mailap sa kanya ang pag-ibig. Mukhang nai-intimidate yata sa kanyang kagandahan ang mga boys kaya walang maglakas-loob na ligawan siya. Umiyak siya noon kasama si Rica Paras during their Christmas Ball kasi they felt na hindi sila bagay sa ganitong klase ng okasyon.

Hindi rin namin siyempre pinalampas ang pagkakataon na tanungin si Sam kung sino sa mga PBB housemates ang gusto niyang maging Big Winner. “I want Jason to win kasi he’s really a nice person.” Kahit daw kasi naughty si Jason ay sobrang bait nito.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

15 thoughts on “Sam Pinto, tinatarget sina Jake Cuenca at Gerald Anderson? – Boy Abunda

  1. Dont compare sam kay melissa ricks and kim chiu wala syang charisma maganda nga sya di naman pangmasa,si mel kahit tìsay mlakas appeal sa tao so as kim!!!

  2. she’s super pretty in person..not to mention, sweet and nice! very refreshing, young and vibrant. ;) no need to compare. according to her, the prettiest person she’s ever seen in showbiz is Kristine Hermosa. To each his own. :)
    Go Sam Pinto!

  3. i like sam..dont compare kristine hermosa and sam pinto…magka iba poh cla…sobrang pretty..sobrang mahiyain kya cnsabi nyo na boring..mas maganda nman ksa sa sobrang aggressive walang ibubuga…shy type xa pro d best…

  4. I like Sam than Kim Chui… may oa factor si kim, kaya nga i don’t watch kung tayoy magkakalayo because of her… ok na sana ang casting…sana si Sam Pinto na lang!!!

  5. She has a SUPER BORING personality ! Kaya siguro walang magkagustong lalaki. Para kang aantukin kapag kausap mo siya. SHE DOES NOT HAVE THE IT FACTOR !

Leave a Reply

Your email address will not be published.