Sam Pinto snubs fans

 

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes! Now na! Maloloka ka talaga sa Earth, dahil bakit kaya lumaki agad ang ulo nitong isang aktres na ito na talaga namang wala pang napapatunayan?

Heto na nga at pangalanan na natin si Sam Pinto. Tinatanong ko sa mga kaparazzi natin kung bakit nga kaya lumaki ang ulo nito. Ang isa pang chikka, nagmamaldita ito sa mga fans niya.

Napatunayan ko rin ito, dahil nakita rin ng aking mga mata, nang makita ko ito kasama ng mga kaibigan niya ay akala mo talaga kung sino itong sikat. Ang mga kasama niya naman ay talagang namamansin, at talagang lumalapit pa. Samantalang ang lola mo, akala mo kung sino na talagang sikat.

Talagang masasabi mo na maganda siya at may ibubuga pagdating sa hitsura. Kaya lang, talagang ang masasabi ko ay wala pa naman siyang napapatunayan kaya huwag siyang magmaldita. At kahit saan siya magpunta ay ganu’n na talaga ang ugali niya. Naku, attitude problem pala itong lola mo!

Kung ako sa kanya, iiwasan ko talagang maging ganu’n. Kasi baka tuluyan nang mawala ang career ko, haha! ‘Di ba? Kaya kung ako sa ‘yo, magbabago na ‘ko para hindi magsara ang pinto para sa ‘yo. Pak!!!

 

AT HETO NAMAN ang nakawiwindang na isyu na talaga namang kumakalat ngayon at pinagbubulungan noon. Lantaran na raw talaga kapag nakikipag-date ang asawa ni Sen. Chiz Escudero na si Christine Flores sa dancer na si Jason Zamora. Naku, nakawiwindang, ‘di ba?

May balita nga raw na may nakakita sa dalawa na nagsi-shopping sa isang mall, na talaga namang hindi nila maide-deny, dahil buong detalye, tsinika sa atin.

Ang suot daw ng dalawa, naka-khaki shorts itong babae at naka-fatigue naman itong lalaki. At last Saturday nga, sa interview naman sa kapatid ni Jason na si Joshua Zamora, sinabi nitong nabalitaan nga niya ang isyu tungkol sa dalawa, pero hindi nga masasagot dahil delikado. Nakawiwindang, ‘di ba?

Ang masasabi ko naman dito, p’wedeng hindi… p’wedeng oo, dahil alam ko nga na itong si Christine Flores ay naging dancer din dati. ‘Yun na!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman ang aktor na ‘to na talaga namang napapabalitang bading?

At ang sabi ko nga, kung bading nga ito, mukhang wala na yatang lalaki sa mundo. At ito namang isang hunk actor naman na napapabalita ring bading, na talaga namang malalaglag ang undies mo ‘pag nakita mo ito, at napapabalitang hiwalay na sila ng dyowa nito.

Heto na ang chikka, ang aktor at hunk actor na raw ang mag-dyowa, at may nakakakitang nagde-date na ang dalawa. Pak! Ay, nakakalurki! ‘Di ba?

 

Kaya kung ako sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

12 thoughts on “Sam Pinto snubs fans

  1. insecurities come out pag nalalamangan ka na sa ibang bagay ng isang tao, Iyun lang naman ang end result. Lahat na lang napupuna pag ganyang ganda kaya the more they put her down, the more blessings will be coming her way. Sige lang mga inggiters. I bash nyo pa ang gusto niyong i bash….para maging super successful pa sila. Sa kakapintas na lang nailalabas ang sama ng loob pag hindi ka nga binayayaan ng kahit kaunting beauty. Life sucks when you look quite different from these beautiful people, the only way to shine is to pintas, pero pangit pa rin.

  2. @shebie at @lily ontingkibot INGGETERA AGAD/!?! E kung yang alaga nyo ba e ‘MATINO’ E.. hndi sya isusulat dito. at hndi gna lng daw sya naka experience nun BOBA!!

    JUSKO.. MGANDA LNG TLGA SYA.. SA TUTUUSIN.. HNDI RIN SYA SEXY FOR ME.. TLGANG PANG MODEL LNG ANG KATAWAN.’UN LNG.’

    AT, OA AH.. HNDI NMAN TLGA MAGALING UMARTE YAN E.. WLA NGA ATANG TALENT.. PAGBIGKAS LNG NG LINES NYA, HNDI PA MAINTINDIHAN..
    O, BKA SABIHIN NYONG INGGETERA DIN AKO?! 
    AKIN LNG,.. 

    ‘ARTISTA NA YAN?!’ CORNY TLGA NG 7.. PURO MUKHA. JOLOGS NMN. XD XP BOOOOOOOOOOOOOOO!~ LOLOLOL! X))

  3. INGGIT LANG ITONG SI SWARDING KAY SAM KC CYA MUKHANG BANGKAY AT KAHIT UMINOM NG ISANG TRAK NA FITRUM AY HINDI KAILAN MAN MAGIGING SEXY KAGAYA NI SAM…PAK! LOLS!

  4. tungak, sikat na nga eh insecure lang kayo mga balahura kayo kaya ganyan ang mga post nyo alam kasi ni Sam na kahit isang truck nf Fitrum ang inumin nyo wala kayo panaman sa body niya

  5. yah right, kahit anong ganda niya, hinding-hindi siya sisikat, kung analo man siya sa FHM, hidni ibig sabihin binoto siya ng taong bayan, pwede namang bilhin ang boto diba at ska nag eendorse siya ng fitrum pwede siyang suportahan. sa totoo lang straight talaga body nya, tignan nio sa comercial ng fitru at sa magasin. napansin ko lang. hindi nga siya nanalo sa pbb, at hindi din siya marunong umarte kaya hindi siya sisikat.

  6. Parang ang Blind Item na ito si Enchong Dee yong aktor pero sino itong Hunk Aktor? Si Piolo Pascual ba?

  7. ns experience ko din ito nung asa ABS pa si SAM pinto grabe may nagpapapicture sa knya parang 4 times pa sya tnwag at matindi ngiting pilit… nakakainis….

  8. naku ang iba nga naman diyan inggit. di lang napangiti, snub na daw. di kasi tulad mo, kahit di nakakatawa, labas lahat ng panga at gilagid.

  9. nakita lang sigurong magkasama eh nagde date na at pronto, paghihinalaan na agad na bading ung isa, sus maria santisima….. wala nang ginawa kundi ang magbantay ng kilos ng kapwa may maisulat lang…

Leave a Reply

Your email address will not be published.