Sam Pinto, natalbugan sina Angel Locsin at Marian Rivera!

PERSONAL NA naka-usap ng Pinoy Parazzi si Mariel Rodriguez  at  ma-

riin nitong inamin na nag-resign na siya sa programang Paparazzi. Wala naman daw kinalaman sa pag-alis ni Ruffa ang naging desisyon niya kaya lang ay umiiwas daw siya sa kung anuman ang posibleng maging intriga sa kanila ng dating Second Princess ng Miss World.

Ayon kay Mariel, nagkausap na raw sila ni Ruffa sa Cellphone matapos na mag-resign ito sa programang Paparazzi na mapapanood tuwing Sabado ng hapon, kung saan ay naging masaya naman ang kanilang pag-uusap na feeling nga ng may-bahay ni Robin Padilla ay naging part siya nang isinama ng loob ng aktes.

“‘Di ba kasi nu’ng magtanong si Mr. Fu, sabi ko ‘di ba, ‘sige okay lang kung si Robin ang sabihin mo’. My Gosh, hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon?”

Sinabi pa ni Mariel na maayos naman daw ang ginawa niyang pagpapaalam. “Hindi naman totally na ayoko. Basta sa ngayon, huwag muna. Kasi mahirap na baka pati si Robin masali sa intriga at iyon ang iniiwasan ko.”

Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay pinanghihinayangan pa rin ni Mariel ang pagkawala ni Rufa Mae Quinto sa programang Wil Time Bigtime.

“Kasi during the time na kasama ko pa si P-chi sa show, magaan ang work ko dahil hindi ko na kailangang magpatawa sa mga tao, dahil gamay na gamay niya iyon. Pero sabi ko nga, naiintindihan ko kung bakit siya nag-resign at naiindintihan din ni Kuya Will ang kanyang sitwasyon. ‘Di ba sabi nga niya nu’ng magpa-interview siya kung bakit siya lumipat sa TV5, if the price is right. Kasi nga naman, ang dami-dami niyang raket. Bukod sa Bubble Gang, meron din siyang movie at nagpo-produce din siya ng show. Kaya hayun, feeling ko kaya siya nag-resign, eh, if the price is wrong.” Sunud-sunod pang sabi ni Mariel.

Sa pagkawala ng dalawang Ruffa sa kanila kanilang show, tuloy pa rin ang mundo ng mga programang kanilang iniwan. Malakas pa rin daw at patuloy na pinag-uusapan ang maintriga at maiskandalong Paparazzi habang ang Will Time Bigtime naman ay hataw sa rating.

 

SA NAKARAANG event ng San Miguel Light sa World Trade Center, personal na nakausap ng Pinoy Parazzi si Sam Pinto. Ayon sa aktres, sobrang saya niya dahil siya muli ang itinuring na number one sexiest woman in the world ng FHM, kung saan ay kinabog ng beauty niya sina Angel Locsin at Marian Rivera.

Hindi raw expected ni Sam na siya ang mangunguna muli sa nasabing taunang pagpili ng FHM. “Siyempre, pressured ako, dahil my God, sobrang sexy nina Marian, Angel, Ellen (Adarna) at Solenn (Heussaff). At kung hindi ako ang nag-number one, eh, okay lang, kasi deserving naman talaga silang lahat. Pero siyempre nagpapasalamat ako dahil ako ‘yung napili nila.”

Sa July 12 na ang rampa ng mga na-piling napasali sa 100 sexiest woman in the world ng FHM at ayon kay Sam, ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ang nasabing event. “Actually, ang dami kong dapat ipagpasalamat sa FHM. Kasi nu’ng manalo ako last year, dumami ang raket at ginawa kong commercials,” pag-wawakas ng aktres.

 

SA EVENT naman ng Roof-A-Child Foundation ni Ruffa Gutierrez, nakausap ng Pinoy Parazzi ang kontro-bersiyal na aktres matapos na ito ay biglang mag-quit sa Paparazzi ng TV5.

Ayon kay Ruffa, walang katotohanan ang balitang balak na niyang bumalik sa Channel 2, kaya nag-linya ito na mabuti pa ang The Buzz at hindi siya binastos tulad sa ginawa sa kanya diumano ng Paparazzi. “No, hindi totoong babalik na ako sa Dos. Paanong mangyayari iyon, may kontrata pa ako sa TV5?”

Sinabi ni Ruffa na nagawa raw niyang mag-tweet laban sa ilang staff ng Paparazzi dahil sa tindi ng sama ng kanyang loob. “My God! Birthday na birthday mo, tapos ganu’n ang mangyayari? Buti na lang, pag-uwi ko sa bahay, pinasaya ako nina Lorin at Venice, at ng mga true friends ko.” linya pa ni Ruffa.

Sinabi pa ng aktres na mami-miss daw niya ang ilang nakasama sa Paparazzi. “Hindi naman ako galit. Sumama lang talaga ang loob ko du’n lang sa kung sino ang may kagagawan nu’ng partikular segment  (na ang tinutukoy ni Ruffa ay ang Bulong Palad segment ni Mr. Fu)

Sa kabilang banda, kahit wala si Ruffa ay naging maganda ang programang Paparazzi last week na tulad nang dapat asahan ay punung-puno na naman ng mga maintriga at maiskandalong balita ang nasabing show na napapanood  tuwing Sabado ng hapon. Tsuk!

 

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

16 thoughts on “Sam Pinto, natalbugan sina Angel Locsin at Marian Rivera!

  1. Hanggang dyan lang naman si PiNTO eh taz walang pang Credibility and Sinalihan at Nanunuhol pa xa para manalo..WoW..!..what if kung walan FHM?..saang KANGKUNGAN kaya xa BABAGSAK since wala naman xang Ka TALENT2x??..pagbigyan nalang dahil desperada kawawa

  2. i used to like her noon sa Pbb,kasi akala ko humble,yun pala hambog ! paano di manalo yan eh kinarer ang pagkakampanya sa mga social sites.Sexiest ba kamo ? ewan !

  3. hahaha…nglitanya p c sam pinto n “sorry guys ders always nxt year…don’t wori d n ko masyadong lalaban echos”  ang yabang nman, eh hanggang dyan lng nman narating nya… purificacion p rin sya d gaya nina angel….Hoy babaeng RULER ang katawan… magmayabang k kung karespeto respetong aspeto ang napanalunan mo… eh bano ka nga sa aktingan… kahit ilang workshops ang salihan mo… bobita k p rin….

    and excuse me sa writer na ito… sexiest woman in the WORLD??? talaga lang ha…

  4. This so called “competition” for the FHM is pure nonsense. It’s not even a credible magazine. She can possibly be in the top 20, but number 1.. . . . NO WAY! Obviously, this voting system’s been rigged. 

  5. mas maganda kung wag nang mag showbiz si mariel plastida rodriguez, laos na nga eh nagpapakakontrobersyal pa ang plastikadang babae!

    number 1 nga si sam pinto pero ano? naging number 1 lang naman kasi sa online voting na lang ata lagi umaasa, talagang kinareer ang pagiging number pero career wise, wala pa naman kahit ni isang napapatunayan. as always, sam is just another starlet na katawan lang ang puhunan at wala namang maipagmamalaking talento. 

  6. TINABUGAN? MADAMI LANG NAHAKOT NA PALA YAN… KUNG ACTING AWARD YAN MAS HAHANGA AKO SA KANYA…KAHIT ANONG GAWIN NIYA BANO PA RIN SIYANG UMARTE HAHA! KAHIT SA HOSTING, WALA RING KWENTA, HAHA! HAYNAKO MARAMI KA PANG KAKAINING BIGAS GIRL

    • fhm nga eh. paseksihan nga eh. hindi acting, gets? bano nga sa acting at hosting yung tao kaya pagbigyan nang lasapin ang moment nya. atchaka kala mo naman may ibubuga sa pag-arte yung dalawang tanders. si angel pa siguro pwede, pero si marianita??!!?! ROFL :P

  7. Sana acting award o nomination man lang ang next na ma-achieve ni Sam Pinto. Pero sana mag-undergo muna siya ng acting workshop. Buti pa si Fabio Ide, isasabak ng Mercator sa 6-week intensive acting workshop. Sana isabay na rin diyan si Aljur A.

  8. sobrang sexy naman talaga ni sam, in ferness. at pano naman di matatalbugan ni sam yung dalawang gurangers na yon… isang balyena at isang pinanlalampaso na ng sahig ang dede :P

    • Sobrang sexy????????? Sus ginoo prang platsahan ang katawan tapos sobrang sexy? Hahahhahhahahahhahahhahahahhahahahhahahahhahahhahahahhahahahhahahahahhahahahahahahahhahahahhahahahhahahahhahahahhahahahahahha

      • ok, sabi mo eh. sabagay, subjective ang term na ‘sexy’. well, for me lang, ok na yung plantsahan kesa sa nasa bewang ang dede :D

Leave a Reply

Your email address will not be published.