Sam Pinto, matamlay pa rin ang pagtanggap ng publiko

MAKAILANG BESES na ka-ming dumalo sa FHM sexiest party at nasaksihan namin ang mainit na pagtanggap noon kay Angel Locsin. Talagang halos bawat paglakad ni Angel sa stage ay pinapalakpakan.

Last year at sa taong ito ay si Sam Pinto ang sexiest woman na napili. At kung noong nakaraang taon ay marami ang nadismaya sa suot ni Sam, ngayon ay medyo sexy na ang design ng kanyang isinuot. Medyo revealing man ang kanyang outfit sa kanyang pagrampa noong Huwebes, July 12, hindi naman masyadong applauded ang kanyang presence.

Nakasakay sa duyan si Sam sa kanyang entrance at naka-harness ito papuntang main stage, pero parang deadma ang mga tao. Kapansin-pansin ding hindi mas-yadong napuno ang venue.

Bakit kaya parang matamlay ang pagtanggap ng mga utaw kay Sam? Nagtatanong lang po!

 

SABADO NANG madaling-araw last week, pagkagaling sa lamay ng Comedy King ay diretso na kami sa Floridablanca, Pampanga para sa tree planting project ng MVP Group of Companies kasabay na rin ng selebrasyon ng kaarawan ni Sir Manny V. Pangilinan. Layunin ng proyektong ito na makapagtanim ng 66,000 trees sa loob ng isang taon, alinsunod sa ika-66 birthday ng may-ari ng TV5, among others.

Sa Barangay Mawakat, Floridablanca, Pampanga ang naging take off point ng nasabing tree planting project noong Sabado, kung saan naki-join ang TV5 artists na sina Alex Gonzaga, Martin Escudero, Meg Imperial at Daniel Matsunaga.

Nakatutuwa dahil kahit sobrang init ay hindi nakitaan ng kaartehan ang apat at talagang game na game sa pagtatanim. Pagkatapos nito ay tumulak naman ang grupo papuntang Apalit, Pampanga, kung saan may salo-salo para kay MVP. Pero bago pa man kami makarating sa pinaka-main road ay naligaw ang aming grupo at napunta sa mabato at masukal na bahagi ng bundok. Ilang ilog din ang natawid ng aming convoy bago pa namin na-realize na ibang daan na pala ang aming tinahak.

Nag-u-turn ang aming convoy at matiwasay na naming natunton ang main road patungong Apalit. May isa pang katatawanang nangyari dahil bago pa man kami makarating sa Apalit ay naligaw na naman kami at tiyempong kasunod namin sina Daniel. Nagkamali ng u-turn sa SCTEX ang driver ni Daniel kaya naman natikitan ito ng SCTEX police.

Matiwasay na natapos ang tree planting activity, kung saan dinaluhan din ito ni MVP at siya rin ang nagpasimuno ng ceremonial planting sa may San Simon, Pampanga.

Happy birthday Sir MVP!

 

NAKAUSAP NAMIN at ng iba pang media si Manay Ichu Maceda sa lamay pa rin ni Mang Dolphy at masayang sinariwa nito ang kanyang mga naalala noong Sampaguita days ng Comedy King.

Malungkot man na pumanaw na ang Hari ng Komedya, masaya niyang ibinalita sa amin na magkakaroon ng re-run ang mga Sampaguita movie ni Mang Pidol sa loob ng isang linggo sa mga piling sinehan.

Magkakaroon din daw ng exhibit ng mga Dolphy memorabilia ang ilang mga museum.

Ito ay magsisilbing pagbabalik-tanaw sa kontribusyon ni Mang Dolphy sa showbiz industry.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

16 thoughts on “Sam Pinto, matamlay pa rin ang pagtanggap ng publiko

  1. SAM !YOU DON’T DESERVE TO WIN ! HINDI KA SEXY HWAG KA NG BUMAYAD NG BOBOTO SA YO NEXT YEAR!MAS DI HAMAK NA SEXY SAYO SI LOVI POE AT KATRINA HALILI!ANG LAYO MO! KAPal MO ANG LAKI SIGURO NG NAGASTOS MO,WALANG SHAPE ANG BODY MO AT WALA KANG SEX APPEAL!!!!’m

  2. Di naman sexy si sam hay pwede ba! At please hndi xa maganda salamat nlng at may make up di ba sam?haha! Bkit di ka mag pony tail at wlang make up then harap ka sa mga madla! Si ms.angel khit wlng make up fresh padin ang dating nya. Stop it sam pinto! Ur so trying hard! Oo kasalanan manghusga alam namin yun! Pero ok lng un! At least nasabi namin ung TOTOO NA HINDI KA SEXY AT HINDI KA MAGANDA!!

  3. kapal mo sam! nxt tym huwag mo na iboto sarili mo hayaan mo kaming mga tao mag boto! sinayang mo lang ang oppurtunity ng FHM na kumita ng malaki! maganda ka nga pero mas maganda si angel locsin sayo! si maraian, si lovi etc.. ang trying hard mo! paano ka mananalo eh wala kang fans! movie mo ni cesar montano eh nilalangaw! FHM pa kaya? halatang dinaya mo sila! mahiya nga kayo FHM! tigilan nyo ang sam pinto na yan! nakakasawa sa mata!

  4. kasi nga wala pang maipagmamalaki. isa pa rin syang wannabe star at forever starlet. tignan mo naman yung mga nakaraang winners, angel, marian, cristine at katrina, diba nag sibida na sa mga shows? eh yang palitong sam? puro supporting at mabibilang lang sa daliri ang shows. just a pretty face lang naman ang hitad, kaya next year dapat mawala na yan. hahahahaha

  5. Hindi malakas ang fanbase ni Sam Pinto. Yun lang yun. Pero maganda siya. But not deserving of the sexiest title.

  6. papaanong mananalo ang isang WALANG FAN BASE N ARTISTA? Me ngfinance o binili ang boto un lng un!!! or binili ng GMA execs. un boto pra mapansin ang artista nila look puro gma artists ang ns top 10….eh mga wala nmng fans heheheheh

  7. HINDI NAMAN SEXY SI SAM PINTO! WALA SYANG SEX  APPEAL KAYA TIGILAN NA NYA ANG PAGBOTO SA SARILI NYA!MAGANDA SYA PERO HINDI SYA SEXY !!!! WALA SYANG SINABI KINA KATRINA HALILI AT ANGEL LOCSIN!MAS OK PA SI LOVI POE !LAKAS NG SEX APPEAL!!!!

  8. 2011.. Dapat si mr ang nanalo  kitang kita sa laki ng lamang.. 2012 dapat si angel ang nanalo kitang kita rin ang kalamangan.. Tapos magtataka pa sya bakit di puno at walang gaanong pumalakpak sa kanya.. Tsunami kc eh dinaig pa si ondoy at tsunami sa japan

  9. binili  nya kasi boto eh…di tulad ni Angel Locsin na madlang pipol pa mismo ang bomoto para mag #1 xa hahaha….at di na uso kay angel ang FHM,may napatunayan na xa dyan..at she(angel) give others a break naman hehe

  10. wow 66,000 trees hehe kapal din nito ni mvp eh halos lahat ng malalaking mining company dito eh sa kumpanya nya kulang pa yan sa mga nasirang kalikasan ng kanyang mining

  11. Ang totoong nanalo ay kahit hindi masyadong nag promote ng sarili ay ibinoboto pa rin. C Angel Locsin un… C Sam Pinto pinilit lang na manalo eh. May Daya Factor!

  12. buti nga!di naman kasi sya nanalo.di sya binoto ng tao talaga..bagkus .sya lang bumoto sa sarili nya ..eh kung si angel locsin ang no.1.punong puno ang venue at kapani paniwala ang panalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.