Sam Pinto, kilala si Jake Cuenca mula ulo hanggang paa!

NGAYONG MAGSASAMA SILA sa Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla sa episode na Elias Paniki, nakatuon ang paningin ng mga tao sa nilulutong tambalan nina Sam Pinto at Jake Cuenca.

Kasi nga, nabalita na dati pa na diumano eh, nagkaroon na sila ng relasyon bago pa man mapasok sa showbiz si Jake at bago rin masalang at makilala sa loob ng Bahay ni Kuya ang dalaga.

Nilinaw ni Jake na noong mga modelo pa sila ni Sam sila nagkakilala at pawang mga bata pa sila. May panahon pa nga raw na muntik silang maging magkatambal sa isang print ad pero na-reject si Jake. Pero, matagal nga silang naging magkaibigan. Pero wala raw ligawan na nangyari kaya hindi naging sila.

Dagdag pa ni Jake, “Although kung merong isang taong masasabing nakakakilala sa akin ng lubusan, walang iba ‘yun kundi si Sam. Dahil matagal-tagal din kaming naging very close sa isa’t isa. I was sixteen then and fourteen naman siya. Imagine, dito pa pala uli kami magkakasama.”

Ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi na naging sobrang alangan si Sam nang sumalang na sila ni Jake sa mga eksena nila sa nasabing serye. Dahil gaya ng dati, lubusan pa rin ang pangangalagang ibinigay sa kanya ni Jake sa mga panahon ng pagtatrabaho nila.

Ikinagugulat nga ni Jake na isa-isang naglilitawan sa tabi niya ang mga babaeng masasabing naging malapit sa puso niya in the past. Ang isa nga raw eh, isa nang stylist ng isa sa mga sikat na artista natin sa ngayon. Naging ex daw niya ito noong high school sila. At nagulat pa siya nang makita niya ang girl sa ASAP XV.

Ang isa naman daw na stylist to the stars na rin ngayon eh, best friend naman ni Sam Pinto.

At may isa pa raw na kaibigan din ni Sam na stylist na rin.

Naging girlfriend din niya?

“Tita, hindi. Bading ‘yung stylist, eh!”

Ask ako, sure ka, ha?

Humagalpak ng tawa ang aktor. Buti na lang, hindi nag-anyong paniki!

KASABAY NG PRESS conference para sa Elias Paniki na pinagbibidahan ni Jake Cuenca, isinabay na rin ang pagpapakilala sa bagong batch ng mga action stars na napisil ng ABS-CBN para naman siyang magsisakay sa mga karakter na ginampanan ni Ramon Revilla, Sr. sa mga ‘agimat’ series niya sa pelikula.

Kahit na marami ang nagtaas ng kilay, hindi na mababago ang pagkakalagay kay Ejay Falcon para siyang maging bida sa Pepeng Kuryente. Inusisa nga ang ilang mga tao sa likod ng nasabing produksiyon kung kaya na ba ni Ejay na magdala ng pagbibidahan niyang serye sa ngayon. Diumano, ilang direktor ang nahirapan sa proseso ng pag-improve ni Ejay sa pag-e-emote sa kanyang mga karakter na ginampanan in the past. Pero salag naman namin, baka naman dahil action naman ang tema eh, mas may maipakitang kakaiba si Ejay sa kanyang gagampanan.

Napisil naman si Enchong Dee para gampanan ang katauhan ni Boy Putik at si Jason Abalos naman ang gaganap as Bianong Bulag. Si Jolo (Revilla) na siyang nagbigay ng mataas na ratings sa mga naunang “Agimat” series na ipinalabas ang magiging finale ng ikalawang batch ng mga ‘Agimat’ ni Senior Revilla, at siya ang gaganap bilang Kapitan Inggo.

Tinanong naman si Jolo kung magiging special guest ba niya uli sa serye niya ang amang si Senator Bong Revilla, Jr., na sinasabing siyang nakadagdag sa pagtaas ng ratings ng ginawa ni Jolo before. Sabi naman ni Jolo-hindi pa siya sure. Pero kung hindi man daw makasama ang kanyang ama, magiging isang matinding challenge pa rin sa kanya na magampanan ang isa sa mga naging blockbuster na pelikula ng kanyang Lolo.

Jolo was also asked kung lilipat na ba sa Kapamilya station ang kanyang ama, ang sagot niya, “He’s staying with the Kapuso station. But I think he will do a movie here (Star Cinema).”

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

7 thoughts on “Sam Pinto, kilala si Jake Cuenca mula ulo hanggang paa!

  1. anong ulo ang alam nya kay jake yung sa tuktok o sa bombilya nya sa baba….lol….sabagay sa itsura naman ni sam mukhang pokpok..

  2. hindi marunong umarte si sam pinto..dapat bigyn muna nang intensive workshop bago isabak sa mga projects…masasayang lang ang story kasi hindi talaga sya marunong umarte

Leave a Reply

Your email address will not be published.