Sam Pinto, inahas si Paul Jake Castillo?!

MUKHANG SILA NA talaga,” sey ng nag-text sa amin na nakakita kina Paul Jake at Sam Pinto. Naispatan niya kasi ang dalawa na nagsa-shopping sa isang sosyaling mall. “Magka-holding hands pa sila at very sweet. Si Paul Jake pa nga ang may dala ng ipinamili nila,” dagdag pa ng nag-text sa amin.

Wala naman sigurong problema kung mag-on na itong sina Paul Jake at Sam. Pareho naman silang single. Although may intrigang si Sam daw ang dahilan ng break-up ni Paul Jake sa non-showbiz girlfriend nito recently. Hintayin na lang natin na aminin nina Paul Jake at Sam kung may namamagitan na nga sa kanila.

TRUE BA NA si Melissa Ricks ang nagdala ng gift ni Jolo Revilla para sa aming friend na si Rommel Placente nu’ng birthday party niya last Sunday?

Very close ang aming friend sa young actress, kaya kahit anong kulit namin sa kanya ay ayaw niya itong aminin. “Baka pagmulan pa ng intriga,” sey na lang ni friend Rommel. Read between the lines na lang kayo.

Ang ganda ni Melissa ngayon. ‘Blooming’ ang batang aktres, ‘ika nga. Malamang na inspired – inspired sa kanyang trabaho, that is. Kaya tama lang si friend Rommel na ‘wag nang intrigahin pa, kahit ang balita na nga sa showbiz circuit ay break na ito kay Jake Cuenca, kaya pinopormahan naman ni Jolo.

ISANG GAY LAWYER ang role ni Cogie Domingo sa indie movie niyang gagawin. Ito bale ang comeback project niya sa showbiz. Ang slant na ng publicity, may lovescene sila rito ni Sid Lucero. Mahusay na aktor si Cogie. Nagkaroon ng konting problema, kaya nagpaalam sa showbiz. Back for good na raw si Cogie, at this time, seryoso na raw ang aktor sa trabaho niya.

Kaya lang naman daw ‘nagsawa’ si Cogie sa showbiz ay dahil sa sistema rito. Marami raw ang unprofessional. Anyway, mukhang tanggap na ni Cogie ang sistemang ito, kaya siya muling nagbabalik.

Kaya lang, parang may mas magandang project na mas babagay kay Cogie kesa isang indie movie na gay ang role niya. We have nothing against the indie scene. Marami na kasing ganyang tema ng indie, and most of the time, exploited lang ang mga bidang lalaki.

Anyway, si Cogie Domingo naman na siya at si Sid naman ang makakasama niya. Sana nga, hindi ito one of those gay indie movies na ang bentahe ay ang sex scenes. Mahusay na mga aktor kasi ang dalawa.

Bore Me
by Erik Borromeo

Previous articleWillie Revillame, wala nang babalikan: Wowowee, sisibakin na?
Next articleJohn Lloyd Cruz, malalim na ang relasyon kay Shaina Magdayao!

No posts to display