Sam Pinto, hindi raw papatulan si Willie Revillame!

Ito ang kuwento sa amin ng isang respected lawyer na once upon a time, e, naka-date ng controversial PBB housemate na si Sam Pinto. Nagbigay siya ng kanyang reaction sa link-up ni Sam kay Willie Revillame.

“I have been with Sam in a couple of dinner dates and with those occasions, e, nalaman ko na napakayaman nila at hindi siya galing sa ordinaryong pamilya.

“Mapili at pihikan din si Sam sa pagpili ng boyfriend, ayon sa pagkakilala ko sa kanya, kaya hindi ako naniniwala na papatulan niya si Willie.

“Nakikialam ang parents ni Sam sa pamimili ng magiging boyfriend niya kaya I doubt kung isa si Willie sa magugustuhan ng kanyang mga magulang. Hindi ko naman minamaliit si Willie pero sa pakikipag-usap ko ng intimate kay Sam, e, parang wala kay Willie ang qualities ng lalaki na hinahanap niya at ng kanyang parents,” sabi pa ng kausap naming lawyer na naka-date ni Sam.

Kung sakali, siguro nga, e, publicity gimmick lang ang ginagawa ng Dos kaya inili-link si Sam kay Papi para nga naman magkaroon ng ingay ang pagpasok niya sa showbiz.

Pero sigurado kami, hindi makakalimutan ni Sam ang naka-date niyang lawyer dahil kung hindi lang nagkaroon ng kaunting bulilyaso, malamang, e, naging silang dalawa.

At kung magagawi si Sam sa bandang San Juan area, sigurado kami, maaalala niya ang lawyer na aming tinutukoy. He-he-he!

SOBRANG NATATAWA SI Paolo Bediones sa ikinakalat sa text messages ng isang dating beauty queen at dating housemate ni Kuya sa PBB na nililigawan siya ng TV host.

Sabi ni Paolo, paano raw mangyayari ‘yon, e, hindi nga niya matandaan ang name ng beauty queen?

Oo nga’t single and available daw si Paolo ngayon pero masyado raw siyang busy sa kanyang bagong work sa TV5 para mabigyan pa niya ng focus ang kanyang lovelife.

Ayaw naman daw niyang kumprontahin ang beauty queen dahil baka mapahiya raw ito kaya bilang isang true-blooded gentleman, e, pababayaan na lang daw niya ang ikinakalat na tsismis ng dating housemate ng PBB. Tutal, wala naman daw siyang girlfriend ngayon na magagalit sa ganu’ng klaseng mga balita.

Oooops! Hindi po si Michelle Aldana ang aming tinutukoy… getz?!

May dahilan naman siguro kung bakit super hot si Bing Loyzaga nang um-appear siya sa cast party at sa grand press conference ng Rubi on two separate occasions.

Wala na ‘yata talaga siyang plano na makipagbalikan kay Janno Gibbs at sa mga sagot niya sa Q and A`s when asked about her Valentine’s plan, e, mukhang hindi kasama sa kanyang iniisip ang kanyang asawa.

Siguro nga, nagsawa na rin si hot mama Bing sa pagti-trip ni Janno sa mga girlets. Siguro nga, nawawalan na ng lakas ng loob si Bing na ipaglaban pa ang relasyon nila ni Janno lalo na’t hindi naman ‘yata nagbabago ang komedyanteng aktor.

Pero sa true lang, super sexy pa rin si Bing na puwede pang makipagsabayan kina Shaina Magdayao at Angelica Panganiban sa pag-gyrate kaya ‘wag na rin tayong ma-surprise kung maisipan ng FHM magazine na i-cover ang mataray na aktres gaya ng ginawa nila noon kay Jean Garcia. Why not, hendehvah?

For reactions, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

3 thoughts on “Sam Pinto, hindi raw papatulan si Willie Revillame!

Leave a Reply

Your email address will not be published.