Sam Pinto, ginagamit si Marian Rivera para sumikat?!

NAKAKATAWA NAMAN ANG gimmick ng kampo ni Sam Pinto, dahil alam kung sinong artista ang gagamitin para mapag-usapan at matakpan ang katotohanang bopol itong umarte at tila tanging issue lang at hindi galing sa pag arte ang source para tumagal kung bilang artista.

Biruin mo ba naman na ang gamitin ay si Marian Rivera! Natural mente eh, pag-uusapan siya. Sino ba namang nadikit sa pangalan ni Marian ang hindi pinag-usapan. Imbes na idawit ang pangalan ni Marian sa kanya (Sam) mas maganda siguro kung mag-undergo siya ng acting workshops nang sa ganu’n ay gumaling siya at nang hindi siya inirereklamo ng kanyang mga nakakasama sa show mula sa director hanggang sa mga staff.

Mabuti na lang at hindi pinapatulan ni Marian ang mga pralala ni Sam, dahil alam siguro nitong hindi siya ang makikinabang kundi ang mukhang hubaderang si Sam kapag sinagot niya ang patutsada nito. ‘Yun na!

BLIND ITEM: SINO itong young actress na nagbida na rin sa isang serye sa isang higanteng network at sumabak na rin bilang cover girl sa mga pabalat ng magazine na panlalaki ang ipinagkakalat ngayon ng kanyang ex-dyowa na isang hunk actor.

Tsika raw ng hunk actor na super galing daw mag-blow job ang nasabing young sexy star at ito raw ang forte nito na talaga naman daw titirik ang iyong mga mata kapag nakaeksena mo na ito sa kama.

‘Yun nga lang daw at hanggang BJ lang ang kayang gawin ni young sexy star at hindi puwedeng magpatira dahil takot daw itong mabuntis nang maaga. Kaya naman daw nahasa na ito sa pagsubo ng saging ng kanyang mga nakakarelasyon, at talaga naman daw sisiw na rito ang ganong eksena ‘pag nasa kama na sila ng kanyang dyowa. ‘Yun na!

TIYAK NA MARAMI ang mai-insecure na lalaking artista kay Marvin Agustin lalo na ang kanyang mga nakapanabayan, dahil bukod sa pagkakaroon ng magandang career at mayabong na buhay-negosyo, ito pa ang napili para maging hurado sa 37th Brussels International Independent Film Festival sa Brussels, Belgium.

Ayon kay Marvin, isa raw itong malaking karangalan para sa kanya na mapili bilang isa sa hurado ng nasabing prestigious film festival at ni sa hinagap ay hindi niya inisip o pinangarap na magiging hurado siya rito.

Lumipad last November 1 si Marvin papuntang Brussels, Belgium dahil November 2 magsisimula ang BIIFF na tatagal hanggang November 8 . Makakasama ni Marvin bilang hurado ang ilang batikang aktor at direktor mula sa iba’t ibang bansa.

MINULTO PALA ANG host/ comedian/ entrepreneur na si Arnel Ignacio nang mag-guest ito bilang jury sa Talentadong Pinoy kamakailan na ginanap sa SM North Edsa Skydome, kung saan ginaganap ang taping ng No. 1 show ng TV5.

Tsika ni Arnelli nang makausap namin na bigla na lang may kumalabit sa kanya na paglingon niya ay wala naman, kaya tinanong nito ang kanyang katabi na si Tuesday Vargas at Shalala kung kinalabit siya ng mga ito na sumagot naman ng hindi.

Parang isang malamig na hangin daw ang dumampi sa balikat ni Arnel na naging dahilan para manghina siya at ang ibang kasamahang hurado noong araw na iyon. Dagdag pa nga nina Arnelli at Shalala na during the time na nasa loob sila ng Skydome, feeling hinang-hina sila. Kaya naman daw after ng taping ay kaagad-agad na nagyaya ang mga ito palabas ng Skydome at lumipat sa Tomas Morato.

Himala naman daw na bigla na lang daw bumuti ang pakiramdam ng mga ito nang makalayo na sa nasabing lugar. Feeling daw nina Arnelli at Shalala, minulto sila ng araw na iyon at mistulang nakadikit sa kanila ang nasabing multo kaya naman ang bigat ng kanilang pakiramdam.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articlePokwang, ‘flop’ ang concert?!
Next articleAngel’s hot dance

No posts to display