Sam Pinto, ‘di raw nag-ambisyong maging beauty queen

Sam-PintoHINDI RAW kumbinsido si Sam Pinto kapag may mga nagsasabing pam-beauty queen din ang kanyang dating. Noon pa man daw nga ay marami na ang nag-i-encourage sa kanya pero hindi siya naengganyo na sumali sa beauty pageant.

“Ang dami rin ngang nagtatanong sa akin, why don’t I join? Eh, feeling ko naman, I’m too short. I’m only 5’ 5”. At saka may tattoo ako. Alam ko bawal, eh.

“Never talaga akong nagkaroon ng interest sa sumali sa beauty contest. Feeling ko lang kasi, it’s really not for me. Feeling ko, masaya na ako sa modelling. ‘Yong gano’n. Hindi ko talaga naging dream na maging beauty queen.”

May mga nagsasabi na may hawig sa kanya si Bb. Pilipinas-Universe 2013 Ariella Arida. Napangiti  naman ang seksing Kapuso actress nang matanong hinggil dito.

“Really?” tila nagulat na reaksiyon ng seksing Kapuso actress. “Grabe naman! Talaga bang magkahawig kami?” nangiting din niya. “I have to see her yet.”

May boyfriend si Sam ngayon. At masaya raw siya na tahimik lang ang kanyang lovelife.

“Kasi… I guess dahil non-showbiz siya. So, wala sigurong paki ang mundo!” natawa ulit na sabi niya.

Ni minsan, hindi nga siya na-link sa sinumang guy from showbiz. Pero hindi naman daw ibig sabihin no’n ay mas gusto niyang hindi artista ang kanyang maging karelasyon.

Sam-Pinto“Sa akin, kahit ano naman. Nagkataon lang na… non-showbiz siya. Three months pa lang ‘yong relationship namin. Bago pa lang kami. And he’s actually very different from all the guys that I’ve dated. Kasi, he takes care of me. As in… he really takes care of me. Sabi ko nga… may ganyang guy pa pala ngayon! He’s a businessman. Chinese. Thirty years old siya.”

Is he the one na kaya? “I don’t know. Uhm… I plan to get married at thirty. I’m twenty three ngayon. So, medyo matagal pa ‘yon! Wala pang plano talaga sa ngayon.”

Importante ba ang kasal para sa kanya? Kasi may ibang okey na live in na lang. “Importante pa rin for me ang marriage. Oo naman! I think, as of now!”

Happy sa kanyang lovelife. At masaya rin daw siya sa takbo ng kanyang career ngayon. “I’m just concentrating in Bubble Gang and Sunday All Stars. And then marami akong regional shows for GMA.”

Ilang pelikula na rin ang nagawa ni Sam. Pero wish din umano niyang mabigyan ng chance na makagawa rin siya ng isang indie film.

“Gusto ko because it’s different from kunwari… ‘yong mga commercial na movies. ‘Yong sa indie, you can do whatever you want. You can interpret it in you own way. Hindi ‘yong… kung ano ang gusto ng masa. Kundi… iba naman.”

May pagka-sexy ang image na pinu-project niya. At game din nga siya in doing sexy pictorials o kaya ay maging sexy cover girl ng mga men’s magazine. Pero sa pelikula, hindi pa siya nakagagawa ng role na talagang daring. Open ba siya na magpa-sexy rin onscreen?

“Puwede naman. Pero hindi ko kaya ‘yong super-sexy. As in… magpapakita ng anything. I cannot.”

What about doing love scenes? “I’ve done that na with Cesar Montano. Do’n sa movie na Hitman.”

Tame naman ‘yong love scene nilang iyon ni Cesar. Hindi masasabing talagang daring talaga. “Hanggang doon lang ang kaya ko!” sabay tawa ulit ni Sam.

Takot siya na baka mag-react o tumutol ang boyfriend niya? “Hindi naman. Ewan ko. Lagi ko namang ini-explain sa kanya na work naman ‘to, eh. At naiintindihan naman niya. Yeah! At saka lahat naman, tina-try kong i-explain.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

5 thoughts on “Sam Pinto, ‘di raw nag-ambisyong maging beauty queen

  1. naku kahit beauty waley ang kerengkeng na yan… nakita ko sa isang bar sa timog.. kung makayapos naman sa kasamang lalake.. wagas!

    • hahahah siyempre,,produkto yan ng PBB…ng Katol Network,,,,baka naman nakuha niya yan nung nasa Katol Network pa yan,,hahha,,dami kasing ex PBB ang napariwara na…hahahah..research research mga fantard,,hahhaha

  2. Lahat na alng ng isyu nakikisawsaw tong babaeng to! ateng try mo muna bigkasin yung assumption ng hindi nagbabakle nang di ka naoorkray ng direktor! masyadong feelingera tong STARLET na to ng kamuning! forever STARLET na alng ang status mo teh!

  3. naku hindi talaga bagay na beauty queen si sam noh! beauty lang ang meron ang hitad at walang ‘BRAIN’ hahahahahahaha!

    • hahahaha eh si Ngiwe,,,may Beauty ba siya at Brain…hahahah sa akin may kunting Beauty naman siya,,,at walang Brain,,,,hahahahha

Leave a Reply

Your email address will not be published.