Parazzi Chikka: Sam Pinto: BUKAS NA!

NANG MAGBUKAS ANG Bahay ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Double Up, pasok ang beauty ni Sam Pinto. Madalas ngang napapanood ng mga sumubaybay sa reality show na naka-two-piece swimsuit ito ‘pag nagbababad sa pool, at du’n palang, tumambad na sa madlang pipol ang kanyang alindog.

Madali ngang nakaagaw ng eksena si Sam sa Bahay ni Kuya. Bagama’t hindi naging bukas sa kanya ang mga lalaking housemates, halata naman ang hindi maitatagong paghanga ng mga ito sa kaseksihan at kagandahan ni Sam.

Hindi man pinalad na umabot sa Big Five at agad na pinagsarhan sa Bahay ni Kuya, bumukas naman kay Sam ang pinto oportunidad sa showbiz. Sa simula’y guest co-host sa noontime show na Wowowee, hanggang sa ang chikka, pasok na as regular co-host ang ex-housemate sa show ni Willie Revillame.

Welcome na welcome naman si Sam kay Papi. ‘Di nga ba’t sa isang private celebration ni Willie, si Sam ang kanyang special guest?!

Sa darating ngang Linggo, magbubukas na rin ang Your Song Presents: Isla, kung saan kasama ni Sam Pinto ang iba pang housemates sa suspense-drama na ito, na pangungunahan ng matinee idol na Gerald Anderson. Malamang ikare-react ito ng Kimeralds, lalo pa’t inamin ni Sam na isa si Gerald sa kanyang showbiz crush.

Umpisa pa lang ‘yan. Kaya’t abangan natin kung ano pa ang magbubukas sa pinto ni Sam.

Ni Dani Flores

Photos by Allan F. Sancon

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articleGuwapo at sikat na young actor, nakapagpatayo ng bonggang bahay dahil sa mayamang gay benefactor!
Next articleKris Aquino, gasgas na ang ‘paawa’ effect!

No posts to display