Sam Milby, wala nang pagkailang kay Anne Curtis

SA NAGING interview naman namin kay Sam Milby, agad na klinaro sa amin ng aktor nan hindi ratings ang dahilan kung bakit mawawala sa ere ang Huwag Ka Lang Mawawala, dahil mataas naman ang ratings nito.

Ipinaliwanag sa amin ni Sam na thirteen weeks o isang season lang talaga ang orihinal na plano na tatakbuhin ng istorya. Aminadong inaasahan pa nga niya na mag-e-extend pa ito dahil maganda naman ang ratings at positibo ang feedbacks ng publiko, pero sa nakikita niyang ganda ng tinatakbo ng istorya ay alam niyang matatapos ito na maganda ang iiwan nila sa publiko.

Labis ang pasasalamat kay Juday dahil pinaglaban nito ang proyekto at silang mga nakasama nito sa nasabing serye, pinapasalamatan din ni Sam si Sir Deo Edrinal at sa Dreamscape dahil kakaibang role ang ibinigay sa kanya rito bilang si Eros.

Dalawang serye ang nagawa ngayong taong ito, isang pelikula naman na pagtatambalan nila nina Cristine Reyes at Anne Curtis ang sisimulang gawin ng aktor. Agad naming tinanong kundi ba siya nakararamdam ng pagkailang ngayong magkakatrabaho muli sila ng ex-girlfriend.

Inamin naman ni Sam na nu’ng gawin nila ni Anne ang pelikulang Babe, I Love You apat na taon ang nakararaan at kabi-break lang nila ng ex ay totoong nahirapan sila sa set. Pero ngayong naka-move on na sila pareho ni Anne ay alam niyang magiging masaya sila sa set. Hindi nga lang magiging close gaya ng dati bilang respeto kay Erwan Heussaff na boyfriend sa ngayon ni Anne. Kilala naman namin si Sam na alam kung saan dapat ilugar ang sarili at wala sa bokubularyo nito ang manira ng relasyon ng ibang tao.

Inamin din ni Angeline Quinto na si Sam ang isa sa pinagselosan ni Coco Martin nu’ng malapit pa silang dalawa. Klinaro naman ng aktor na magkaibigan lang talaga silang dalawa ng singer/actress, pero ayaw niyang madamay sa kung anuman ang naging relasyon ng dalawa.

Sa ngayon ay wala pa ring girlfriend pagkatapos ng break-up nila ni Anne, naniniwala si Sam na darating ito sa tamang panahon at ‘di dapat hanapin.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

9 thoughts on “Sam Milby, wala nang pagkailang kay Anne Curtis

Leave a Reply

Your email address will not be published.