Sam Milby, type ang pagiging ‘di maarte ni Jessy Mendiola

THERE’S A budding romance between Sam Milby and Jessy Mendiola. Inamin kamakailan ni Sam sa The Buzz na nililigawan niya si Jessy. “Nililigawan ko si Jessy. She’s aware. I did let her know my intentions. She’s beautiful. I like her simplicity. Hindi siya maarte,” Sam admitted. The two previously worked together in an episode of Maalaala Mo Kaya last year bago lumipad si Sam patungong US to try his luck in Hollywood.

Marami ang tiyak na nagulat sa ginawang pag-amin ni Sam lalo pa’t pareho silang nali-link ni Jessy sa ibang tao. He was previously linked to Shaina Magdayao samantalang si Jessy naman ay naugnay kay Matteo Guidicelli, her leading man on Paraiso.

Umpisa pa lang pero nilalalagyan na ng isyu ang kanilang pagkakamabutihan because of their nine-year age gap. Sam said, “I think a lot of times she’s misunderstood, too. People think na masyado siyang bata but for me, she’s mature for her age. She works hard. I can’t say that I know her that well but the times that I hang out with her, it’s been fun.” Sabi nga, love works in mysterious ways. Not even age can stop anyone from falling in love kapag pinana ka ni Kupido. Malay natin, maging ganito din para kina Sam at Jessy.

Sam was asked how he can help Jessy recover from her failed relationship with JM de Guzman. “The right way to heal your own wounds is to do it by yourself,” he answered.

Meanwhile, Jessy confirmed that Sam is indeed courting her through an exclusive statement sent to The Buzz. We quote, “Oo, nanliligaw siya. Single ako at single siya so bakit naman hindi? Pero we go out lang naman and hang. Nothing super serious since alam niya, priority ko ang career ko. He’s a very sweet and nice guy so I don’t want to close any doors naman and why not let him get the chance na makilala ako and ganoon din ako sa kanya. Let’s see how it goes na lang.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

7 thoughts on “Sam Milby, type ang pagiging ‘di maarte ni Jessy Mendiola

  1. Pansin ko lang tong si Sam Milby mahilig magannounce ng kesyo liligawan or type nya. Look what happen sa Shaina issue? Wala naman tas eto announce na naman sya! Sana kasi wag muna sya magdaldal kung sino ba ang syosyotain nya dapat pag sila na tsaka na sya magpapresscon hay!!!!! puro daldal lang tong si Sam!

  2. …talagang ginagawa lahat ni Sam Milby ang lahat para lang ma-suppress ang kanyang kabaklaan. gagamit at gagamit sya ng mga tao para maitago nya ang kanayng dugong berde tulad ni Piolo Pascual pero lalabas din ang totoong sexuality nya….it’s just a matter of time..

Leave a Reply

Your email address will not be published.