Sam Milby, tapos na raw kay Anne Curtis?!

NILINAW NI SAM Milby na hindi sila nagkabalikan ni Anne Curtis. Inamin niya ito sa press conference ng latest movie niya sa Star Cinema na And I Love You So noong isang linggo. Ayon na rin sa nakarating sa aming balita, sina Sam at Anne ay nakita sa isang restaurant sa Makati na magkasama noong isang linggo. Ayon sa aming source, magkasabay pang umuwi sina Anne at Sam, at sumakay pa daw sa kotse ni Sam si Anne. Dinenay naman ito ni Sam.

“Hindi lang kaming dalawa ang nandoon. Grupo kaming magkakasama. We were with Liz (Uy), Raymond (Gutierrez), Bubbles (Paraiso) and we’re not alone.” paliwanag ni Sam. Hindi rin daw totoong si Sam ang naghatid kay Anne sa bahay nito. “She rode in my car, pero ‘yung car niya kasi ay parked somewhere.” pagpapatuloy niya.

Nilinaw din ni Sam na hindi rin lasing si Anne nang mabangga ito ilang linggo na ang nakakaraan. Talagang pagod lang siya at nagtamo lang ng konting galos sa katawan. Binuko ni Sam na medyo na-trauma na nga si Anne sa pagmamaneho kaya kumuha na muna ito ng driver. Wala naman din daw nakikitang mali si Sam kung saka-sakaling siya ang maghatid kay Anne sa bahay after nilang lumabas. Nanatili raw silang magkaibigan at binuking pa ni Sam na nasa ‘Pinas na nga daw ang bagong inspirasyon ngayon ni Anne. Naniniwala pa rin kami na may something pa rin kina Sam at Anne. Pakiramdam namin ay inu-unti unti lang nila ang kanilang pagbabalikan at kinikilala pa nang husto ang isa’t isa. Kaya wait and see tayo ha!

Tumpulan naman ng tuksuhan sa presscon si Sam at ang lead actress nito sa pelikula na si Bea Alonzo. Hindi raw malayong magustuhan ni Sam si Bea dahil napakabait at napakaganda daw nito. Wish ko lang, hindi lang ito dahil sa promo ng pelikula, huh?! May naikuwento tuloy si Coney Reyes na kasama nila sa pelikula, na may special na greeting pa daw si Sam kay Bea sa tuwing dumarating ito sa set. Sexy ngayon talaga si Bea at nagpagupit pa ito. New look, pareho sila ni Sam na nagbalik sa dating gupit nito noong lumabas siya sa Pinoy Big Brother house tatlong taon na ang nakakaraan.

So sino kaya ang date nina Bea at Sam sa darating na premiere night ng And I Love You So sa Martes ng gabi? Si Derek, si Angelica Panganiban daw ang kanyang ka-date. Si Bea, si direk Lauren daw ang escort. E, paano na si Sam, sino kaya ang ka-date niya?

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

7 thoughts on “Sam Milby, tapos na raw kay Anne Curtis?!

  1. alam niya namang busy si sam aya ng aya kaya iyan iniwan para wala ng obligasyon si sam na sumama kung saan saan kay anne kita niyo sabi ni sam wala siyang time sa pag ggf dahil hindi sila nagkikita masyado tapos si anne aya g aya kaya iyan hindi inintndi ni anne si sam kaya ng decide nalang siya na breakin si anne para wala ng umasa sa knya na hinihintay siya sa kung saan saang lupalop pumupunta si anne

  2. i think kaya iniwan ni sam si anne busy na tao si sam panay siguro ang aya outgoing si anne kasi alam niya namang pagod si sam aya ng aya kapag hindi napagbigyan na smama kay anne nagagalit si anne kaya si sam nagalit nadin ginusto na niyang iwanan si anne sa kakalabas niya

  3. si anne kasi ang nagaaya kay sam palagi panay tinatawagan ni anne malay niyo namang hindi puntahan ni sam ayaw niya pahiyain si anne

  4. May feelings pa talaga si Sam at Anne. Tama ang sabi ng writer, inuunti unti lang nila hanggang sa mabalik sa dati. Take it one step at a time nga. Basta i still believe, inlove pa rin sila.

  5. In my own opinion,my something pa talaga sa kanila,kasi if wala ka na care sa isang tao,you will not have much time to spend with her,di ba?and for the fact na Sam gave extra effort to Anne,it means only na may feelings pa sya,and same with Anne.

Leave a Reply

Your email address will not be published.