Sam Milby, tanggap nang may bago na si Anne Curtis!

DESIDIDO NA SI Nadia Montenegro na magpapayat. Thanks to Mikaela Advanced Aesthetic Clinic at napapayag nila si Nadia to undergo sa kanilang treatment.

Kailangang in four months, mabawasan ang timbang ni Nadia ng 70 lbs. Mukhang maa-achive naman ito ni Nadia dahil in one week, six pounds na agad ang nabawas sa kanya at masusing sinusunod daw niya ang kanyang diet.

“Kasi may wish list ako ever since I was 12. Parang nag-stop na doon sa half. Hindi ko ‘ata matutuloy ito kung  ganito. Parang masyadong naging happy and contented sa life ko ngayon. Ngayon, ang bait-bait ko. Ang galing-galing kong mag-diet, sobra. Kasi dati, psychologically, kapag sinabi mo sa akin na diet or exercise, hindi ko na gagawin. Hindi pa nag-uumpisa, ine-erase ko na. Not like now. It’s a commitment na nga,” lahad ni Nadia.

Pero wala naman daw intensiyon si Nadia na kabugin ang archrival niya nu’ng early 90’s sa Regal Films na si Gretchen Barretto sa kaseksihan. Wala naman daw siyang intension na maging threat kay Gretchen ngayon.

“No, naman. Kahit naman nu’ng mga dalaga kami, we’re two different individuals and huwag na sanang i-compare pati ‘yun, ‘di ba? Gretchen is Gretchen. I can never be in her position. Kasi iba naman ‘yung life ni Gretch. Iba naman ‘yung linya niya, I mean, she’s a model. She’s a glamorous woman and ako naman I have a different ano, hindi ako ganu’n. It’s not my character. Sa kanya, bagay na bagay ‘yun. Ako hindi. I’m showbiz,” sabay tawa ni Nadia.

Hindi pa raw ulit sila nagkakausap ni Gretchen since nagbati sila sa burol ng yumaong manager na si Douglas Quijano. Naniniwala si Nadia na hindi naman daw napipilit ang tadhana kung kailan ulit sila magku-krus ng landas ni La Greta.

PAGKATAPOS NG CONTROVERSIAL love affair nila ng young actress na si Anne Curtis, magbabalik si Sam Milby sa kanyang first love. At ‘yun ay walang iba kundi ang kanyang pagkanta.

Muling magpe-perform as a solo artist ang Rockoustic Heartthrob na si Sam sa nalalapit niyang concert titled Only Me sa Zirkoh Greenhills on July 25, Saturday, 9 pm. Ang sikat all-female dance group na Sex Bomb Dancers sa pangunguna ng napakahusay na si Aira Bermudez ang special guest ni Sam.

Speaking of Anne, aware pala si Sam sa idini-date ngayon ng ex-girlfriend niya ang foreign guy na si Erwan Heusaff na kapatid ng ex-girlfriend naman ni Derek Ramsay na si Solenn Heusaff. Masaya naman daw si Sam para kay Anne, at hindi siya nagseselos.

“Like I’ve said, I’ve already moved on, and I will admit, that I’ve known this, and nu’ng time na nalaman ko dati pa, siyempre, may selos nu’ng time na ‘yan. But dahil nag-move-on na ako, natanggap ko na,” sabi ni Sam.

Sa ngayon, happy rin naman daw siya being single. Pero handa na rin daw siya to fall in love again. Pero hindi naman daw siya nagmamadali.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

11 thoughts on “Sam Milby, tanggap nang may bago na si Anne Curtis!

  1. naku eto ba ang bagong date ni Anne? guapo pero bata pa…. di pa naman siguro naghahanap si anne na someone na for-keeps na?

Leave a Reply

Your email address will not be published.