Sam Milby, suko na sa panliligaw kay Jessy Mendiola

1 Sam-MilbySA PAGHINTO niya sa panliligaw kay Jessy Mendiola na kinumpirma mismo ng aktres, nagbigay-pahayag si Sam Milby na mutual decision nila ito ni Jessy, na mas maganda na hanggang maaga ay nagdesisyon na sila pareho na huminto na lang siya sa panliligaw kaysa nauwi sila sa isang relasyon saka sila maghihiwalay.

Ayon sa aktor, wala na silang komunikasyon sa ngayon ni Jessy, pero ‘pag nagkikita naman sila sa ilang pagkakataon ay nagbabatian at nagkukumustahan bilang magkaibigan.

Sa ngayon, walang girlfriend o niligawan dahil na rin kinakain ng trabaho ang lahat ng kanyang oras sa ngayon, hindi naman nagmamadali si Sam lalo’t pokus ito sa kanyang trabaho. Tinanong namin kung ano ang reaksyon niya na nakukumpara silang dalawa ni Gerald Anderson bilang leading men ni Anne. Dinepensa ni Sam na tanggap na niya na ‘di maiiwasan na ikumpara sila ng kapwa aktor, pero hindi niya nakikita na kakumpetensiya si Gerald lalo’t magkaibigan sila bago pa man sila nagkasama sa Dyesebel.

Ang Dyesebel din ang balik-tambalan nila ng ex-girlfriend na si Anne Curtis pagkatapos ng apat na taon nu’ng matapos ang kanilang relasyon at nagtambal sila sa isang pelikula ng Star Cinema, masaya si Sam na ang inaakala niya na maaaring ilangan sa unang taping day sa Dyesebel ay ‘di nangyari bagkus ay naging maayos ang lahat at naging magkaibigan sila muli ng dating kasintahan.

Nawala noon sa showbizness dahil sinubukan ang suwerte sa Hollywood, labis ang pasasalamat ni Sam na sa magsi-siyam na taon niya sa industriya ay ‘di siya pinabayaan ng Kapamilya Network kung saan tuluy-tuloy ang trabaho na ibinibigay sa kanya.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

One thought on “Sam Milby, suko na sa panliligaw kay Jessy Mendiola

Leave a Reply

Your email address will not be published.