Sam Milby offends Toni’s family?

KUNG MINSAN, ANG mga taga-showbiz, dinadaan lang ni Sam Milby sa kanyang killer smile na kinakakikiligan ng kanyang mga tagahanga. Pero sa likod ng kanyang mga ngiti, mayroon din pala siyang mga atraso sa kapwa na baka hindi niya nalalaman. Mayroon nang unang patunay, iyong sinulat ni Manay Chit Ramos, na medyo nagdamdam ang pamilya ni Toni Gonzaga sa sikat na actor ay totoong-totoo.

Nasimulan na nga ni Toni sa mga salitang diumano, sa nakalipas na closeness nila ni Sam ay may nagawa rin ang binatang actor, na hindi naman mali, pero hindi rin tama. Ito ay nu’ng mga panahong magkakasunod na pelikula ang kanilang ginagawa sa Star Cinema, na ang dating ay nagliligawan na sila, na parang may MU (Mutual Understanding) na silang dalawa. Pero para talagang “inilaglag” ang magandang TV host-actress, dahil biglang may umagaw-eksena, na close na rin pala ang binata kay Anne Curtis nu’ng silang dalawa ay magsimulang magkasama sa teleseryeng Maging Sino Ka Man, Part l ng ABS-CBN.

Na-offend pala ni Sam ang pamilya ni Toni, pero dahil nga sa parehong sobrang kaabalahan na nila sa kanilang movie career, hinayaan na lang na lumipas ang closeness na iyon ng dating magkatambal, lalo pa’t ang sumunod na ngang napag-uusapan sa showbiz ay si Anne na ang girlfriend ng actor.

Bago kasi ang ikinuwento ni Manay Chit tungkol sa hindi magandang naramdaman ng family ni Toni kay Sam, aware na rin kami sa pananahimik nila. Four months ago kasi, nu’ng mag-guest kami sa programang Juicy ng TV5 ni Alex Gonzaga, nagkuwento siya sa amin ng katotong reporter na si Melba Llanera ng tungkol sa naramdaman niya sa kanyang Ate Toni, dahil nga sa nangyari na parang naiwan sa ere ang kanyang sister, mula sa dating pagpaparamdam na ng actor ng panliligaw niya.

Nagdamdam din si Alex kay Sam. Pero ayaw niyang palakihin ang isyu, kaya four months ago, ay ipina-off the record niya sa amin ni Melba Llanera ang tungkol sa kanyang ikinuwento. Wala siyang sinasabing masama tungkol sa tisoy na actor, pero naasiwa lang siya sa naging pangyayari.

Naaliw kami sa isyung ito, kasi’y consistent talaga lagi ang magkapatid na Toni at Alex sa kanilang mga sinasabi. Hindi na nga lang sila nagsasalita kaagad, kundi sa tamang panahon. Inunahan ni Toni, ikinuwento ni Manay Chit, kaya ang ipina-off the record ni Alex ay itsinika na rin namin ngayon. Para alam ni Sam.

HINDI NAMAN NAKAPAGTATAKA na magsalita ang brother ni Glaiza de Castro ng kanyang pagtutol tungkol sa diumano’y panliligaw ni Patrick Garcia sa young actress. Kasi nga, aware sila na magulo ngayon ang takbo ng buhay ng ex-boyfriend ni Jennylyn Mercado.
Sobrang napakabait na tao ni Glaiza, kaya naman siguro ayaw rin ng kanyang pamilya na kung sakali ay madamay naman sa anumang gulo ang kanilang anak. Hindi man hinahatulan, may masamang epekto talaga kay Patrick ang patuloy pang hidwaan nila ni Jennylyn. Ninenega kasi ng aktres na dalagang-ina ang mahusay na actor.

Dapat kasi kay Patrick ay magpalamig muna, para magaya niya si Aga Muhlach, na kahit naging kontrobersiyal na binatang-ama noon sa showbiz dahil nabuntis si Janice de Belen, nakabawi rin naman at naging napakaresponsableng asawa kay Charlene Gonzales, at ama sa kanilang kambal na anak na sina Atasha at Andres.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.