Sam Milby, nanliligaw na kay Shaina Magdayao?!

SA PRESSCON ng Kahit Konting Pagtingin, pinutakti ng kabi-kabilang tanong si Sam Milby sa nababalita ring espesyal na relasyon na namamagitan sa kanila ni Shaina Magdayao. ‘Di itinago ni Sam na may malalim siyang paghanga sa aktres at ngayon ay lumalabas sila kasama ang mga kaibigan ni Shaina, pero wala pa silang relasyon gaya ng inaakala ng iba. Magkasama sa ASAP at puro magaganda ang mga salita na naririnig ni Sam mula sa mga nakakatrabaho ng aktres, nagsimula silang lumabas bago matapos ang December at 3-4 na beses na silang nagha-hang out. Ayon kay Sam ay kinikilala pa lang niyang mabuti si Shaina at kung mauuwi ito sa panliligaw ay ‘di niya masasabi.

Natanong din kung nagpaalam ba siya kay John Prats, matalik na kaibigan ni Sam at ex-boyfriend naman ni Shaina, ikinuwento ng aktor na nagpaalam siya at ‘di naman ito tumutol sa balak niyang panunuyo sa aktres. Sa tanong namin paano kung ‘di pumayag si John, siniguro sa amin ni Sam na ‘di niya itutuloy lalo’t bago pa lang naman silang nagkakakilala ni Shaina at ‘di siya gagawa kung alam niyang masasaktan ang kaibigan.

Dalawang taon ding nawala sa telebisyon at ngayon ay dala-dalawa ang seryeng gagawin, ang Kahit Koning Pagtingin at Against All Odds kung saan makakapareha naman niya si Judy Ann Santos at magre-resume na rin sila muli ng taping. Para kay Sam ay nakapaka-thankful niya na ‘di siya pinabayaan ng ABS-CBN at binibigyan pa rin siya ng mga proyekto. Excited magbalik-serye si Sam, matapos i-pursue ang kanyang pangarap na makapasok sa Hollywood, na hanggang ngayon ‘di pa rin niya binibitawan ang pangarap na ito.

 

NAGING PASABOG ang mga binitawang salita ni Kim Chiu patungkol sa balitang relasyong namamagitan sa ex-boyfriend na si Gerald Anderson at ang matalik na kaibigan na si Maja Salvador sa nakaraang Thanksgiving party at presscon para sa Book 2 ng Ina, Kapatid, Anak.

Ayon kay Kim, hindi ito dahil sa ‘di pa siya nakamu-moveon sa break-up nila ni Gerald dahil matagal na naman itong nangyari. Nalulungkot siya dahil nasira ang pagkakaibigan nila ni Maja, kinain lang nito ang mga salitang binitawan laban kay Gerald at ngayon niya napatunayan na walang totoong kaibigan sa showbizness.

Nang tanungin na akala ng iba na close na sila uli ni Gerald nang magkapareha silang dalawa sa 24/7 movie ng Star Magic, nagpakatotoong umamin si Kim na hindi totoo ang mga napapanood natin.

Sa hiwalay na interview kay Maja, ‘di naman nito idenenay na magkasama talaga sila ni Gerald sa Misibis, Albay kung saan may mga larawan nilang dalawa habang kumakain sa labas. Sa kuwento ni Maja, nagkasama sila ni Gerald sa Davao para sa promo ng 24/7 at doon ay napag-usapan nila ang Misibis at nasabi niyang magandang lugar ang Misibis at magaganda ang activities doon. Nanghingi ito ng numbers na puwedeng makontak at ibinigay naman niya para matingnan kung maganda nga ang nasabing lugar.

Nagkasama muli sa Italian Festival, dito nga ay nabanggit ni Maja kay Gerald na tutuloy sila sa Misibis ng mga pinsan niya at dito gagawin ang bridal shower ng pinakamalapit niyang pinsan. Hindi rin ipinagkaila ni Maja na sabay silang umalis ni Gerald sakay ng parehong flight patungo sa Misibis.

Nang tanungin kung nanliligaw ba sa kanya ang aktor, umiwas si Maja at nagsabing mas mabuting ang aktor na lang ang tanungin tungkol dito. Sa tanong naman kung alam ba ni Kim ang kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Gerald, sinagot naman kami ni Maja na alam ni Kim ang mga nangyayari sa simula pa lang.

Inimbita rin pala niya ang kaibigan sa Misibis pero dahil nga Pasko at Bagong Taon ay kasama nito ang pamilya. Sa balitang in-unfollow na raw siya ng kaibigan sa Instagram, para kay Maja ay mas magandang si Kim na lang ang tanungin tungkol dito. Pinabulaanan din niya na nag-iwasan at ‘di sila nagpansinan ng kaibigan, ayon kay Maja ay nagbatian naman sila.

Ang ikahahanga lang kina Kim at Maja sa kabila ng pagkakaroon ng lamat sa kanilang pagkakaibigan ay napakapropesyonal nilang nagagampanan ang kanilang roles bilang Celyn at Margaux sa Ina, Kapatid, Anak at walang balitang nagiging problema ang dalawa sa set.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

11 thoughts on “Sam Milby, nanliligaw na kay Shaina Magdayao?!

  1. grabe uso ngaun samga artist ah, palit-palitan lng ng dyowa after sa isa sa isa nman, tong 2 starlet nato ngpapalitan lng ng nalilink sa knila, c shaina after break-up wd jlc nilink-link kuno k piola, tpos k gerad ngaun type nman daw zani samantha….c majarot nman after mateo nilink dink piola my kissing pictur pa kuno, tpos wd sam  at ngaun eky gerald nman na user din….sige tikiman kyo ng tikiman masarap yan paiba-iba ng putahe…

    • ganyan nmn tlga kayong mga babae mahilig sa titi so anong reklamo mo? bat d ikaw? eh bkit kilala kb artista kb ? letse mgtigil k nga jn…kundi ko pa alam….isa kng HONEY!!!

      • eto na nman ang cra-ulong baklang bangag na putres kang to, wgka ngang nkikialam sa coment ng my coment kung wala krin lang naintindihan bwiset kng mas leche ka!!!  ikaw nrin ng sabi ugok bkit mko isasali artista bko, mga artista nga topic d2 brainless pathetic, lunatic u!!!  bhala kna kung dimo naintindihan yan ha. wala ka nmang utak e sabat klang ng sabat!!!  wgmo kong igaya syong hinayupak kng baboy, ikaw ang mahilig sa t.. .kadiri kang baboy damo ka!!!

  2. Ang bagay kay Sam si Kris Aquino, si Kris ang magsasalba ng career ni Sam, kayang-kaya nyang pasikatin ito. Si Kris ata ang box-office of all time, wala nang makaka-abot sa kinita ng Sisterakas nya. Kris for President!

  3. Sam naman, sana pumili ka naman ng mas okay na girl for you. Hindi bagay si Shaina sa iyo mas bagay pa siya kay John Pratts. Sayang lang at meron nang boyfriend si Angel Locsin kung wala sana siya na lang niligawan mo mas bagay pa kayo.

    • i agree…ms bagay cl ni angel locsin..db inamin ni sam nuon n crush ny c angel at bnigyan p nga ny ng blackberry phone pro sinoli ni angel,hnd tinanggap ni angel

Leave a Reply

Your email address will not be published.