Sam Milby, Nagpapabaya sa Anak!

WALANG TAKOT NA sinagot ni Uma Khouny ang mga issue tungkol sa kanya sa Paparazzi nina Cristy Fermin, Mo Twister at Dolly Anne Carvajal last Sunday. Ang pagkakatanggal ng dating PBB housemate sa travel show na Trip Na Trip ay malalim raw ang naging dahilan.

“It’s not true na inalis ako sa show, ako mismo ang nag-resign. Gusto ko namang mag-grow, subukan ang ibang bagay. Alam ko namang hindi ako marunong umarte. Dream kong magkaroon ng sariling talk show. Kung may iba pang issue tungkol sa mga taong in love, hindi ko na alam ‘yun dahil wala ako that time na mangyari ang mga bagay na ‘yun kaya hindi ako puwedeng mag-comment,” sey ni Uma.

Naging sentro rin ng usapan ang kaduda-dudang pagkalalaki ni Uma. Anong gusto mong makarelasyon, lalaki o babae? Diretsong tanong ni Manay Cristy. “I can do both, it’s not who you wanna be, kung saan ka maligaya du’n tayo. Kapag naramdaman mo you like the person then go. Dito sa showbiz gusto nilang makarelasyon ko babae, okey madaling gawin ‘yun. If ever magkakaroon ako ng relationship, gusto ko ‘yung matagalan. I have kissed a guy here in the Philippines, hindi ibig sabihin I’m gay… Nagpunta ako ng gay bar.

For me, bakla ka man o tomboy it’s all the same. I don’t believe in love, I believe in love sa mga kaibigan, but I believe in lust.”

Sumingit si Mo at binuking si Uma sabay sabing, ‘Tini-tweet niya akong I love you!’ Sumagot naman si Uma, “Gusto mo, sabihin ko?” Ikinabaliw namin ang tinuran ng dalawa na ikinagulat ng mga tao sa loob ng studio. Akala namin totoo, pero biro lang ng magkaibigan.

Siyempre, naging topic din ang issue tungkol sa diumano naanakan daw ni Sam Milby ang sister ni Uma. Mag-bestfriend pala sina Mo at Uma, two years ago, lumapit pala si Uma kay Mo para i-share ang problema tungkol sa kanyang sister na nabuntis daw ng hunk actor.

“Sabi ko kay Uma, ‘I’m always on your side. You have to do something about it.’ Sabi niya, ‘I don’t wanna Sam… I don’t want the station to be upset.’ Ibig niyang sabihin ayaw niyang magalit ‘yung mga tao…”

Naglitanya si Mo Twister, “Naikuwento mo sa akin nu’ng nangyari ‘yung issue… idini-deny ni Sam na siya ang nakabuntis sa kapatid niyang babae.”

Are you still upset with Sam sa pagdi-deny niya sa anak ng ‘yong sister? Banat na tanong niya. “Walang taong nakinig sa akin, lahat sila tinira nila ako, pati ‘yung sister ko. Lalo na ngayon ‘yung daughter niya three years old na, nakakaintindi na. Ayaw kong people talk na anak ka ni ganyan… tumahimik na ako. Ayaw kong masaktan ‘yung mga taong nirerespeto ko sa showbiz. I’m so upset talaga… Ayaw ko lang lumabas again para sumikat ang ibang tao kasi it came out when my sister is pregnant. It came out again when she gave birth, one year old… two years old… three years old ‘yung bata.”

May issue ring nakiki-ride lang daw si Uma sa kasikatan ni Sam, comment? “Sabi nila gawa-gawa ko lang ang issue na ‘yan para magkaroon ako ng show sa TV5.”

Si Uma ang nagbibigay ng financial support sa anak ng kanyang kapatid. Hindi raw nagbibigay ng sustento si Sam.

Sa pagtsitsikahan nina Cristy, Mo, Dolly Ann at Uma, lumabas tuloy na parang pinuprotektahan pa rin niya ang Star Magic.Binuko ni Cristy si Uma, ipinakilala na pala ni Uma ang sister niya kay Cristy.

“May pinanghahawakan ako d’yan, ipinakilala mo sa akin ang kapatid mo noong nagdadalang-tao na alam kong si Sam Milby ang Tatay,”diretsong sabi ni Manay Cristy.

Para raw patunayang si Sam ang ama ng anak ng kapatid ni Uma, bakit raw ayaw magpa-DNA test ng actor? “Matatapos lahat ang tsismis kung lahat tayo’y tatahimik… Again, wala akong nakukuha o napapala sa tsismis na ‘yan. Ang nasasaktan ‘yung isang tao… ‘yung bata nakakaintindi na, three years old. Wala naman kaming dapat pag-usapan ni Sam. It’s not me, my sister don’t wanna talk about it. Alam ninyo naman, wala siyang pakialam kung sino man ‘yun… She got pregnant, kalokohang paninindigan niya.”

Pagiging ama sa sariling pamangkin? “Being a father is not so easy at all. I’m not ready pero masarap ang feeling, it’s really cool ang pagiging Daddy.”

Kahit may intriga sa pagitan nina Uma at Sam, willing pa rin siyang makatrabaho ang binata. “Yeah, wala akong galit sa kanya, ‘yung issue pinalalaki natin. Kumbaga, minimeyk-apan natin  ‘yung issue para maging juicy. Kay Sam, walang problemang makatrabaho…”

Kung sakaling dumating ‘yung time na magkasama sila sa isang pelikula. Will you bring your adopted child in the set? “Yeah, why not?”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

13 thoughts on “Sam Milby, Nagpapabaya sa Anak!

  1. lasing daw silang 2 nung nag sex sila ng sis ni uma sa isang party kaya nangyari yun di dapat mangyari well yun ang nabasa ko dati! mahirap umamin baka masira ang career ni sam.

  2. Tama, nakakaintindi na ang 3 yrs/old. Trip b nya manuod ng talkshow? Marun0ng n b mgbAsa ng taBLoid? Marun0ng na b mg internet? PROTECT UR PAMANGKIN EPAL NA UMA!

  3. its so obvious that uma khouny just wants to make some noise so he could have free publicity at the expense of sam milby….he has NO CAREER whatsoever and sam on the other hand is at the peak of his stardom! uma has no credibility ever since so why believe him….

  4. o ayan may alam na naman daw si cristy fermin. wala nang maniniwala sayo fermin yung kredibilidad mo sirang sira na. anong nangyari sa pinaglantaran mong babalik na si willienhiya noong sabado. sa susunod mag balita ka namang tama. hindi ka pweding tawaging manunulat kasi puro kasinungalingan yang sinansabi mo.

  5. i like uma khouny since pbb. .pero i still don’t believe na may anak c sam.sorry,..i must say..maganda nmn yung pagpapalaki ky sam, and HE LOVES KIDS DIN NMN. .kac nga his sister kapapanganak lng. . so,.hindi tlga. siguro tumatahimik cya kac it’s an old issue!.so yun na yon. .

Leave a Reply

Your email address will not be published.