Sam Milby, na-turn-off kay Jessy Mendiola?

Sam-MilbyTULUYAN NA ngang tumigil sa pangliligaw si Sam Milby kay Jessy Mendiola. Kahit may magandang paliwanag ang hunk actor tungkol sa bagay na ito. Lihis sa totoong naging dahilan kaya’t minabuti nitong itigil na. Lumabas na raw ang totoong pag-uugali ni Jessy, kaya na-turn-off ang actor. Kaya para maging maganda ang comment niya sa naudlot na panliligaw, puwede naman daw maging the best of friends na lang sila ng dalaga.

Katuwiran ni Jessy, naka-focus daw siya sa kanyang career kaya hindi niya priority ang lovelife. Ayon sa aming source, nang maging bida na sa Maria Mercedes, naging maarte na raw ito, nagpaka-feeling ang drama nito sa set. Nang dahil sa may attitude problem na nga si Jessy, hindi na nasundan ng panibagong teleserye ang dalaga.

Walang TV project ngayon si Jessy, pinagpahinga muna raw ito ng management hanggang hindi nagigising sa katotohanang hindi pa siya puwedeng tawaging star. Bilang artista, hilaw na hilaw pa ang acting performance na ipinakita niya sa Maria Mercedes. Kailangan pa niyang mag-aral ng acting kina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Angel Aquino.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

4 thoughts on “Sam Milby, na-turn-off kay Jessy Mendiola?

  1. Gusto ko itong si Sam dahil,polite, parang walang mean attitude at very humble. Pinalaki ng tama ng mga magulang nya. Sana pinalaki rin ng tama itong si Kristd.

Leave a Reply

Your email address will not be published.