Sam Milby, may anak na sa kapatid ni Uma Khouny?!

KUNTENTO AT MASAYA si Claudine Barretto sa dalawang anak kaya wala pa sa plano ng aktres na sundan na si Santino. “Sa dalawang anak pa lang namin ni Raymart, naguguluhan na siya, ‘yun pa kayang maging tatlo na agad? No, huwag muna mas gusto namin ni Raymart na mabigyan ng mas mahabang panahon at atensiyon si Santino,” pahayag ni Claudine, na nagsabi pa sa Pinoy Parazzi na two or three years pa bago nila sundan ni Raymart sina Sabina at Santino.

SA GINAWANG PAG-AMIN ni Eugene Domingo na nakipagrelasyon siya sa isang gay, hindi naiwasang itanong namin kay Pokwang kung siya ba ay nagkaroon na rin ng sex experience sa isang baklita. Humalakhak lang si Pokwang. “Nagka-crush ako sa bakla, pero noong malaman kong bakla siya, lalo ko siyang minahal as a friend. Pero hindi ko talaga pinangarap na magkaro’n ng dyowang bakla.”
Nakausap namin si Pokwang sa concert niya kamakailan sa Metro Bar, kung saan ang nasabing concert ay produce ng mga kaibigan naming sina Julie Bonifacio at Reggie Bonoan na talaga namang blockbuster.
“Tawa ako ng tawa ng ikinuwento niya sa akin na nagkaroon siya (Eugene) ng dyowang bakla, kasi lapitin talaga kami ng mga bakla,” kuwento pa ni Pokwang.
Sa kabilang banda, mas napag-uusapan at mas marami ngayong project si Uge kumpara kina Pokwang at Ai-Ai de las Alas. “Bakit naman ako mai-insecure sa kanya? Eh, kaibigan ko naman si Uge, at alam naman namin kung ano ang meron kaming dalawa.”

SA HALIP NA maapektuhan ay lalo pa ngayong lumalim ang relasyon nina Dingdong Dantes at Marian Rivera matapos na lumabas ang balitang may anak sa pagkadalaga ang aktres.
Ayon sa aming source, kahit anong gawin daw ng mga detractors ni Marian, dapat na nilang tanggapin na hindi na nila basta maibabagsak ang aktres.

SA KABILANG BANDA, tikom din ang bibig ni Sam Milby sa isyung may anak na siya na isang boy sa nakababatang kapatid ni Uma Khouny, ex-housemate sa Pinoy Big Brother. “Actually, hindi naman pinababayaan ni Sam ang anak niya sa kapatid ni Uma, kaya walang isyu,” pahayag iyon ng isang taong malapit kina Uma at Sam.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

3 thoughts on “Sam Milby, may anak na sa kapatid ni Uma Khouny?!

  1. Super old news na ito… I remember sila pa ni Anne nung lumabas yung issue na ito. Wala na ba iba issues sa mga kapamilya male stars? lagi na lang may anak or bakla ang issues.

  2. tagal ng issue yang may anak si sam sa kapatid ni uma at ilan beses ko na rin na napanood na dinenay nya yun,even anne depended her na wala talaga.binubuhay lang uli yung issue para mapag-usapan si sam kasi may upcoming show sya…showbiz nga naman!

  3. PETE AMPOLOQUIO & PETER LEDESMA
    MGA SHOWBIZ REPORTERS NA NAGBUBUGAW NG NGA INDIE MOVIE ACTORS
    CALL/TEXT THEM AT THESE CEL.#
    PETE-0927-6557791
    0919-5767445
    PETER-0916-3082273

Leave a Reply

Your email address will not be published.