Sam Milby & Maja Salvador: Precious Tandem!

SAM MILBY
Real Name: Samuel Lloyd Lacia Milby
Birthdate: May 23, 1985
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Quality: Fixed
Element: Earth
Basic Trait: I Have
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday

MAJA SALVADOR
Real Name: Maja Ross Andres Salvador
Birthdate: October 5, 1988
Zodiac Sign: Libra
Symbol: The Balance
Ruling Planet: Venus
Quality: Cardinal
Element: Air
Basic Trait: I Balance
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday

FOR THE FIRST time, magsasama sa isang teleserye sina Sam Milby at Maja Salvador. Kung kayo ay avid fan ng dalawa, malamang ay natatandaan n’yo pa ang tsikang muntikan nang niligawan ni Sam si Maja noon. Hindi man sila nagkatuluyan sa tunay na buhay, malaki pa rin ang tsansa na ma-develop silang muli dahil sila ang bida sa Precious Hearts Romances presents: Impostor.

Pareho ang career path na tinatahak ng dalawa. Pareho silang multi-talented at hindi na-stuck sa iisang loveteam. Pareho naman kaya sila ng kapalaran pagdating sa pag-ibig? Let’s ask the precious stars of love…

Hangga’t maaari, parehong iniiwasan ng Taurus at Libra ang mga problema. Mas gusto nilang mamuhay sa isang tahimik at masayang kapaligiran. Ang dalawang zodiac na ito ay may qualities of amiability, gentleness and compassion.

Kahit pa over-over sa pagkapareho ang mga nabanggit sa itaas, hindi ibig sabihin niyon na swak na swak talaga ang kanilang ugali. Kilala sa pagiging outgoing ang Libra, samantalang ang Taurus ay mas gustong tumambay na lang sa bahay at mag-relax.  Dapat matutunan ng Libra na pagpasensiyahan ang pagiging stubborn at inflexible ni Taurus. Hindi naman ito mahirap pakisamahan, sa totoo lang. Sadyang mga manipulators ang mga Libra kaya maaari nilang mapa-oo o mapasunod ang Taurus sa konting lambing at pakiusap lang.

Ang relasyon ng isang Taurus at Libra ay may malaking potential. Basta matanggap ni lalaki na mahilig lumabas at makipagkaibigan si babae. Dapat ring mas malawak pa ang pag-uunawa ni babae kay lalaki dahil natural na ang pagiging possessive at mainitin ng ulo ni lalaki. Importante na hindi sasabayan ang init ng ulo ng isa para mas tumagal ang pagsasamang ito.

‘Yun naman pala, eh! May chance naman pala sina Sam at Maja kung ang mga stars ang pagbabatayan. Hmmm… ito ba ay isang precious magdyowa on the works? Alam na!

loading...

One thought on “Sam Milby & Maja Salvador: Precious Tandem!

Leave a Reply

Your email address will not be published.