Sam Milby & Jessy Mendiola: And I Love You So!

SAM MILBY
Real Name: Samuel Lloyd Lacia Milby
Birthdate: May 23, 1984
Zodiac Sign: Gemini

Jessy Mendiola
Real Name: Jessica Mendiola Tawile
Birthdate: December 3, 1992
Zodiac Sign: Sagittarius
GINULANTANG NG Kapamilya leading man na si Sam Milby ang bago niyang rebelasyon tungkol sa developments ng kanyang lovelife. Pagkatapos ma-link kina Anne Curtis at Shaina Magdayao, buong tapang niyang inamin sa publiko na kasalukuyan niyang nililigawan ang Pinay Maria Mercedes na si Jessy Mendiola.
Hindi sila magka-loveteam sa pelikula o telebisyon, kaya ikinabigla ng madlang pipol ang umuusbong na romansahan sa pagitan ng dalawa. Malaki rin ang kanilang age gap, pero age doesn’t matter din naman talaga lalo na kung pareho kayong may hot bodies, ‘di bash?!
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang public sightings sa dalawa. Pagdating kaya sa pag-ibig, mag-last kaya ang kanilang pagsasama?
Restless at palaging ‘on the move’ ang Gemini at Sagittarius. Hindi nila kayang mamalagi sa iisang lugar lang. Kapag pinagsama silang dalawa, asahan natin na maraming unexpected adventures ang magaganap! Maganda ang relasyong ito dahil pareho silang open sa pagmamahal at pagbabago. Gusto rin nila ng challenges at surprises. Mas philosopical nga lang mag-isip ang Sagittarius, habang ang Gemini ay may pagka-happy go lucky kahit sa mga seryosong bagay.
Trip ng Sagittarius na palaging tumulong sa kapwa at gumawa ng charitable deeds. Ang Gemini ay kailangan munang kumbinsihin nang maigi bago gumawa ng aksyon. May mga pagkakataon na magkaiba sila ng pananaw sa mga importanteng bagay, pero makatutulong ang pagdedebate para mas lumawak ang kanilang pang-uunawa. Hindi magkakaroon ng major problem ang dalawa dahil kaya nilang mag-adapt agad sa changes. May respeto rin sila sa isa’t isa. Plus points for healthy relationship!
Para tumagal ang pagsasamang ito, kailangan nilang mag-adjust sa iilang differences nila. Maaakit sila sa isa’t isa dahil pareho silang may outgoing personality, pero may tendency na magselos ang Sagittarius sa angking katalinuhan ng Gemini. Mahilig mag-party ang babaeng Sagittarius, pero pagdating sa bahay ay super cuddly rin ito sa kapares. Kering-keri talaga ang Gemini-Sagittarius tandem. Medyo ingat lang tayo sa mood swings dahil madalas na hindi nagpapatalo ang dalawang zodiac, huh!
Oh well, papel! Mukhang aarangkada na nang todo ang Sam-Jessy offcam loveteam! Wala nang magagawa ang mga etchuserang froglet na megakontra sa namumuong relasyon nila. Kahit ang mga love star ay umaayon sa kanila! Itodo na ‘yan!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.