Sipat-eklat #178: Sam Milby, itinangging nagkabalikan na sila ni Anne Curtis!

SIPAT: Si DINGDONG DANTES na ang PAPALIT kay RICHARD GOMEZ sa HOSTING ng FAMILY FEUD.
EKLAT: SURVEY SAID…! A) PUWEDE! B) Ay, WALA nang IBA? C) BA’T SIYA PA? D) MA at PA!

SIPAT: ‘WE are NOT back TOGETHER,’ denay ni SAM MILBY sa balitang NAGKABALIKAN na sila ni ANNE CURTIS.
EKLAT: AAMIN din ‘yan… ‘pag BREAK na sila!

SIPAT: NABUGBOG si LORNA TOLENTINO sa SAMPALAN SCENE nila ni CHIN CHIN GUTIERREZ sa DAHIL MAY ISANG IKAW. TINOTOO talaga!
EKLAT: ‘KALA siguro ni CHIN CHIN, e nasa UFC match siya!

SIPAT: AYAW na tuloy ni LT na MAKAEKSENA si CHIN CHIN.
EKLAT: SUSUNOD na EKSENA nila kasi, e TATANGKAING PATAYIN ni CHIN CHIN si LT!

SIPAT: NALOKA si LT nang i-PRAY OVER siya ni CHIN CHIN after ng EKSENA, e.
EKLAT: Parang si LT pa ang SINAPIAN ng MASAMANG ESPIRITU, ‘no?

SIPAT: PUWEDE palang IKABULAG ni LT ang MATINDING SAMPAL ni CHIN CHIN.
EKLAT: …at ma-DISLOCATE ang PANGA niya!

SIPAT: NAKABAWI naman si LT, TINADYAKAN niya sa HITA si CHIN CHIN.
EKLAT: Sana BINAYAGAN niya na… Ay, ano pala ang TAWAG ‘pag sa BABAE GINAWA ‘yon?

SIPAT: Nagka-IDEYA na naman ang KAPAMILYA n’yan. PATOK ang SEXY SCENES sa mga TELESERYE nila, BUGBUGAN naman NGAYON.
EKLAT: KABAHAN na kayo mga TALENT ng DOS!

SIPAT: BOYFRIEND na ni JOLINA MAGDANGAL si MARK ESCUETA ng RIVERMAYA. ‘BILIS maka-MOVE ON ni JOLENS sa BREAK UP nila ni BEBONG MUÑOZ, ‘no?
EKLAT: Gano’n talaga ‘pag TUMATANDA, este, nagma-MATURE na!

SIPAT: HINDI si OSANG. HINDI rin isa sa mga REVILLA ang DAHILAN ng BREAK UP nina JOLO REVILLA at LOVI POE.
EKLAT: Basta, may KONEK siya sa mga BIDA natin!

SIPAT: Daming ARTISTA ang NAKAKIKITA ng DEAD PEOPLE ‘pag ARAW ng mga PATAY, ‘no?
EKLAT: DEAD CAREER? HINDI ba sila NAKARARAMDAM? DAMI na sa PALIGID nila, ah!

SIPAT: Pro-NOYNOY AQUINO na ba si WILLIE REVILLAME? MADALAS siyang naka-YELLOW, e.
EKLAT: BAWAL ang ORANGE sa bakuran ng KAPAMILYA. Sey mo, MANNY VILLAR?

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

6 thoughts on “Sipat-eklat #178: Sam Milby, itinangging nagkabalikan na sila ni Anne Curtis!

  1. sinasapian lang ba ng masamang espiritu ang pwedeng ipag-pray over? sino man na meron problema o sakit ay pwedeng magpa-pray over kung naniniwala ka sa power of healing.

Leave a Reply

Your email address will not be published.