Sam Milby, hindi tatantanan si Bea Alonzo!

First time naming nakausap si Sam Milby sa kakatapos lang na Star Magic World Tour concert na ginanap sa Araneta Coliseum noong Biyernes, matapos itong makabalik mula sa kanilang successful na European Tour. Matagal na nawala si Sam pero nakahabol naman ito sa premiere night ng kanilang pelikula na Ang Tanging Pamilya. Masayang-masaya si Sam sa takbo ng kanilang pelikula sa box-office.

Kinuha na rin namin ang pagkakataon na tanungin si Sam tungkol sa kontrobersyal na “Blackberry” phone na ibinigay raw niya kina Angel Locsin at Bea Alonzo. Ipinaliwanag ni Sam na sa grupo raw kasi nila sa ASAP ’09, halos lahat ay naka-Blackberry na. Dahil daw sa “messenger” feature ng naturang telepono, ay mas mabilis silang nakapagkukuwentuhang magkakaibigan. Pero hindi raw lahat ay may Blackberry phone, kaya nagmagandang-loob si Sam na bigyan si Bea Alonzo.

“Siya kasi, naka-iPhone lang kaya binibigyan ko siya ng Blackberry. Pero ayaw niya ngang kunin. I’m not gonna stop. Ibibigay ko pa rin sa kanya ulit.” Paliwanag ni Sam. Sa pagpapatuloy ng kanyang kuwento, ‘wag daw sanang bigyan ng malisya ng iba ang pagbibigay niya ng Blackberry kay Bea. Naging close na raw kasi sila dahil sa ilang mga proyektong kanilang pinagsamahan. “And I’m just sharing my blessings sa mga kaibigan kong close sa akin,” ani Sam.

Ang suwerte naman ni Bea! Ang haba ng hair ng lola mo!

NAIBALITA SA AMIN ng isang mapagkakatiwalaang source na buntis na pala ngayon ang singer na si Bituin Escalante. Ayon sa aming source, nasa first tri-mester na ngayon sa kanyang pagdadalaang tao si Bituin at masayang-masaya raw ito ngayon. Ang masuwerteng ama ng dinadala ng singer ay isang “old family friend” nina Bituin na naka-base sa Cebu. Kaya raw minsan ay pabalik-balik si Bituin sa Cebu.

Ang tanong, nasa plano na kaya ng dalawa ang pagpapakasal ngayon buntis na si Bituin? ‘Yan ang dapat nating abangan!

GUSTO KO LAMANG magpasalamat nang malaki sa lahat ng bumubuo ng KBP o Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas sa Best TV Magazine Show award na pinagkaloob nito sa aming maliit na lifestyle show na Us Girls sa Studio23. Nangyari ang awarding sa Taal Vista Hotel sa Tagaytay City noong Biyernes, November 13 na dinaluhan ng ilang representatives sa telebisyon at radyo ng iba’t ibang media groups.

Iniaalay namin ang parangal na ito sa Studio23 management na patuloy na nagtitiwala sa aming kakayahan bilang programa, sa mga advertisers na nagbibigay-suporta, sa mga loyal viewers namin na walang sawang sumusubaybay at nanonood linggo-linggo – maraming, maraming salamat po, mula rin sa aming staff at hosts na sina Iya Villania, Angel Aquino and Chesca Garcia-Kramer.

Thank you KBP!

loading...

2 thoughts on “Sam Milby, hindi tatantanan si Bea Alonzo!

  1. kay angel talaga meant yung blackberry phone, binili yun na si angel nasa mind and heart ni sam…..pa importante tong bea na ito buti nga inalok pa sayo, maging thankful kana lang bruha!!!

    • ano namang masama kung d tinanaggap ni Bea?May prinsipyo iyong tao sabi nga niya d siya techie so doon dapat sa nararapat maibigay ang phone.Isa pa ayaw niya seguro na may mayapakan na tao sa side ni Sam at sa side niya.ISIP,ISIP.
      ANG MAY UTAK NA TAO NAG-IISIP BAGO MAG DECIDE!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.