Sam Milby & Cristine Reyes: The Gifted Combination!

Cristine-Reyes-Sam-MilbySAM MILBY
Real Name: Samuel Lloyd Lacia Milby
Birth Date: May 23, 1984
Zodiac Sign: Gemini
Symbol: The Twins
Ruling Planet: Mercury
Quality: Mutable
Element: Air
Basic Trait: I Think
Closest Metal: Quicksilver
Lucky Day: Wednesday

CRISTINE REYES
Real Name: Ara Cristine Reyes Klenk
Birthdate: February 5, 1989
Zodiac Sign: Aquarius
Symbol: The Water Bearer
Ruling Planet: Uranus
Quality: Fixed
Element: Air
Basic Trait: I Know
Closest Metal: Aluminum and Uranium
Lucky Day: Saturday

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay magkakatambal sa big screen ang Kapamilya stars na sina Sam Milby at Cristine Reyes via The Gifted ng Viva Films, na ipalalabas na rin sa cinemas nationwide starting September 3. Ka-triangulo rin nila ang ex-girlfriend ni Sam at paboritong ‘female loveteam’ ni Cristine na si Ms. Anne Curtis.

Knowing that Sam and Anne had a romantic past, we can’t help but think of possibilities na magka-develop-an din sina Sam at Cristine in the future. Alam namin na may steady date itong si Cristine at panay ang press release ng kampo ni Sam na nililigawan niya sina Shaina, Jessy at kahit si Sandara Park. Pero itong tambalang ito kaya, i-try natin? Bet?

Gemini and Aquarius have a lot of similarities. Pareho sila ng outlook sa buhay kaya madali silang magkasundo. Kahit intellectually ay swak na swak sila sa ideas and opinions. ‘Yan ang dahilan kung bakit madaling ma-develop ang relationship ng dalawang zodiac. Gustung-gusto nilang mapag-usapan ang mga seryosong bagay lalo na pagdating sa long-term goals in life and love. Meron din silang pagkakasalungat, pero hindi ito big deal para matinag kung ano mang ‘special gift’ na tine-treasure nila sa kasalukuyan.

May mga pagkakataon na malungkot o detached ang Aquarius sa ka-partner nito. Good thing na hindi ito magiging big deal sa Gemini dahil busy rin itong ine-enjoy ang kanyang freedom. Mapabibilib nila ang isa’t isa sa pagiging dependent at pagte-treasure ng kanilang individuality. Pagdating naman sa romansahan ay bigay-todo rin ang dalawa. Kung minsan pa nga ay may gift of surprises pa!

This match is one of the strongest in the zodiac world. Pareho nilang gusto ang deep conversations about life at naa-appreciate nila ang kanilang individual projects. Sinusuportahan nila ang growth ng isa’t isa kaya very productive at meaningful ng pagsasamang ito!

‘Yun, oh! Cristine, just in case your current romantic prospect doesn’t prosper, always remember that SAMone ‘gifted’ is waiting for you! Hek-Hek-Hek!

Pares-Pares

By Madam Damin

Previous articleLadies in Black
Next articlePinoy, isa sa mga nangunguna sa online shopping industry

No posts to display