Sam Milby celebrates birthday with Marie Digby

 alt=

 

MAG-DYOWA NA BA talaga ang hunk singer-actor na si Sam Milby at ang YouTube sensation na si Marie Digby? May nag-post kasi ng mga litratong ito sa Facebook, kung saan makikita ang dalawa kasama ang ilang kaibigan na kuha sa isang motocross event.

Ayon sa nagpadala ng mga litrato sa e-mail ng Pinoy Parazzi, May 23 kinunan ang mga ito, at petsa mismo iyon ng birthday ni Sam Milby. So, lumalabas na tila nag-birthday si Sam kasama si Marie, ‘di ba?!

Sabi nga, ‘di mo naman sasamahan ang isang tao sa espesyal niyang araw, kung hindi rin naman espesyal sa ‘yo ang taong iyon.

Eh, teka! Pa’no na si James Yap na balitang nakiki-pagmabutihan din kay Marie, bukod pa sa ‘special friendship’ ng basketbolista sa aktres na si Isabel Oli?

Ang gulo, huh!

AMINADO SI VICE Ganda na nagre-reklamo rin naman siya sa dami ng kanyang trabaho at karaketan. Pero hindi naman daw ibig sabihin niyon, inaayawan na niya, o nag-iinarte na siya gaya ng ipinagpapalagay ng iba. Tao rin naman si Vice na nakaramdam ng pagod!

Oo, napapagod din si Vice Ganda! Kahit sabihin mong araw-araw siyang nakikita sa TV dahil Lunes hanggang Sabado, mayroon siyang Showtime, at ‘pag Linggo naman, mayroon siyang Gandang Gabi Vice.

Saan pa nga ba hinugot ni Vice ang kanyang horsepower para sa kanyang album na Vice Ganda Lakas Tama? At heto pa, sa July 1, ang second major concert ng komedyante sa Big Dome na Vice Ganda Todo Sample sa Araneta!

Siguro, nawawala lang ang pag-iisip ni Vice Ganda sa pagod, at napipigilan siyang magreklamo kapag naiisip niya na buti nga siya may mga proyektong ginagawa, ‘yung iba wala… o kaya naman, mas tatalunin iyon ng hiya sa Diyos na sobra-sobra na kung magbigay sa kanya. Kaya naman gagawin na lang niya ang the best sa sandamakmak na trabaho para makabawi-bawi naman sa ibinibigay ng Diyos.

At kung sorpresa at sorpresa nga lang ang pag-uusapan, hindi nauubusan niyan si Vice. At iyon ang sisiguruhin niya sa July 1 sa Araneta Coliseum. Isang major concert na punung-puno ng sorpresa para sa kanyang mga tagahanga.

 

BLIND ITEM: MAS nakakabaliw naman ang nakarating sa aming chikka. Kakaiba rin pala kung mag-trip ang isang sexy personality. Naki-pag-threesome daw ito sa isang young couple na nasa early 40’s ang husband at late 20’s naman ang wife. Pamangkin daw ng isang kilala ring personalidad ang lalaki.

Ang chikka, matagal na u-manong plano ng mag-asawa na maka-threesome ang sexy personality, at sa kung anong kadahilanan, hindi natutuloy. Hanggang finally nga raw, naganap na ang kanilang pinananabikan! Pinananabikan daw, o!

Overnight daw iyon sa isang kilalang hotel-resort sa Boracay, sa kuwarto siyempre ng mag-asawa naganap ang mga pang-DVD na eksena. Ang siste, kaya raw bumigay ang sexy personality ay dahil sabog na sabog ito sa E, as in Ecstacy!

Hindi naman daw ginagawang ‘sideline’ ng sexy personality ang kanyang katawan. Trip-trip lang daw talaga ang eksena.

Clue? Ay, d’yan na muna kayo… minamanas na ang kamay ko, ‘di na ko makatipa! Hehe!

 

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

loading...

15 thoughts on “Sam Milby celebrates birthday with Marie Digby

  1. napaka-flawless naman niang c marie digby kasing puti nia yung suot nia sleeve less! Kaswerte naman niang c sam!! Inangkas c marie s kanyang motor ure the maan!.

  2. napaka-flawless naman niang c marie digby kasing puti nia yung suot nia sleeve less! Kaswerte naman niang c sam!! Inangkas c marie s kanyang motor ure the maan!

  3. kaloka ka sam 3x lang kau nagkita ni marie non and2 sya sa pi? Hmmpp eh palagi nga may nakakta sau s condounit ni marie at sa condo ng manager nyo nuh! Nagiisa ka sam haha

  4. I agreE! Gmik lng din na nilink ng Dos c marie ke janes yap para maiba naman lolz maxado kc identified an nym nea ke sam and i blieve na cla ang magdy0wa! Denial king lng e2 c sam e….hMpp super gandah p aman c marie nuh

  5. ka-cheapan yang james yap isyu ng abs cbn huh pero di ba nila alam na mas nakikilala si marie ng mga pinoy dahil sobrang ganda niya at magaling kumanta? sa twitter twice na siya nag-trending topic nung nag-perform sa bb plipinas at nung nasa tv patrol siya (worldwide at sa phils) KAYA DI NA NIYA KELANGAN NG PUBLICITY KASI SIKAT NA SIYA DITO!!!!!! TANTANAN NA YAN JAMES ISYU SUS ME!

  6. eto ang dalawang couple na walang magawa kungdi ang itago na lang yung relasyon nila sas publiko. para ma-protektahan ang career ni sam, kaya ayan kung kanino nili-link ang name nitong si marie digby para mahiwalay sa anino ni sam! tama nga naman, kelan lang nag-celebrate ng bday si sam tapos buong araw sila ang magkasama. di maipagkakaila db? alang-alang sa career nila sam at ni marie, pilit na tinatago ng management nila ang relasyon nila! showbiz everr!

  7. eh di naman nila itinago na magkasama nga cla nagtweet pa cla na nag-motorcross nung bday ni sam! mas bagay naman clang dalawa! Parehong gwapo at maganda

  8. Mas ok naman si Marie kay Sam na binata kaysa sa isang bandlag na mukhang hardinero na si James Yap na yan.

  9. ilang taon na ba si John Estrada & Priscilla Meirelles? John Estrada pamangkin ni Erap d ba? Sino yung sexy personality @@

  10. ang galing ng nag-photoshop kaloka! yung 1st 2 pix naka-jeans lang si Marie Digby, yung 3rd pic naka pang-motocross gear na din?

  11. para namang imposibleng mag-break kung kailan lang nakitang magkasama, ‘di ba? tsaka pa’no naman magbi-break ang ‘di naman naging sila. ano ba ‘teh?!

  12. saan planeta ba galing ang writer na ito para magtanong kung sina sam & marie digby na eh ang balita nga nag break na, dapat ang tanong ay kung nagkabalikan sila

Leave a Reply

Your email address will not be published.