Sam Milby at Anne Curtis, nahuling magka-date

BALIK-INTRIGA ANG aktres na si Anne Curtis matapos ang masaklap na nangyari kay Anne nang mabangga siya ilang araw na ang nakakaraan, ngayon may bagong intrigang kailangan na naman niyang sagutin. Hindi pa man siya nagsasalita at nagkukuwento sa talagang nangyari sa kanyang aksidente, eto’t may panibago na naman siyang balitang kailangang bigyang linaw. Noong Sabado, August 1, di naman sinasadya na matapat sa araw din ng pagpanaw ni ex-President Cory Aquino, ay nakitang magka-date sina Anne Curtis at ex-boyfriend nitong si Sam Milby sa Makati Avenue.

Ayon sa aking very reliable source, nangyari ang lahat between 5 to 6 ng umaga ng August 1, sa North Park Restaurant sa Makati Avenue. Dito madalas kumain at magpalipas ng oras ang mga taong madalas gumimik sa Makati Avenue. Kuwento sa amin ng aming source, hindi raw alintana ng dalawa kahit maraming tao sa naturang restaurant. Hindi nila nakakitaan ng pagkailang ang dalawa kahit maraming nagtitinginan at nagbubulungan sa kanila. Kasama nila Sam at Anne ang kanilang mga kaibigan na sina Raymond Gutierrez, Bubbles Paraiso, Liz Uy at isa pang Bench model na lalaki. Magkakatabi pa nga daw sa silya sina Raymond, Bubbles at Anne samantalang sa katapat namang silya sina Sam, Liz, at ang lalaking modelo.

Nang matapos nang kumain ang grupo nila, unang lumabas ng restaurant sina Anne at Sam. Hinatid sila ng guard sa sasakyan ni Sam na kulay orange. Mula sa kinauupuan ng aking source na nandoon din mismo sa mga oras na ‘yun, kitang-kita’ng napaka-gentleman daw ni Sam dahil pinagbuksan pa niya ng pintuan si Anne. Dahil wala ngang kotse at siguro medyo na-trauma pa itong si Anne sa kanyang pagkaka-aksidente kaya si Sam na marahil ang maghahatid kay Anne sa bahay nito.

Ani ng aming informer, “Wholesome naman ang table nila. They look very happy.” Sweet nga daw at iba pa rin daw ang body language nila Anne at Sam noong mga oras na ‘yun, kaya pag-alis daw ng grupo nila, rinig na rinig ang bulungan ng mga tao sa restaurant na “mukhang sila na ulit”. Sila na nga ba ulit? Hindi na kami magtataka kung magkasama sila sa premiere night ng pelikula ni Sam na And I Love You So. Pero sabi ni Anne, over na raw siya kay Sam. Pero ano nga kaya ang ibig sabihin nito, noh?

NAKAKA-TOUCH TALAGA ang naging funeral rites para kay Madame Cory na napanood ng lahat sa ABS-CBN kahapon. Grabe at talagang napaiyak naman kami nang husto sa mga naging pahayag ng mga taong malapit kay Pres. Cory pati na ang mga anak nito lalo na si Kris. Naka-relate kami nang husto sa pag-iyak ni Kris, na pati ang facebook account namin ay napuno ng mga komentong naiyak silang lahat sa naging mensahe ni Kris.

Nakakalungkot talaga pero masaya na rin tayo para kay Tita Cory dahil ngayon ay kasama na niya ulit si Ninoy at nasa mas magandang lugar na siya kasama ang ating Mahal na Panginoon.

Tita Cory, salamat pong muli.

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.