Sam Milby at Anne Curtis, ‘di nagsasara ng pinto sa isa’t-isa!

RUMORS ARE STILL persistent that Sam Milby and Anne Curtis have reconciled after breaking up several months ago. Hindi natin alam kung ito ay totoo dahil walang pag-amin na nanggagaling mula sa dalawa. But what is true is that Sam and Anne still care for each other and they will always have a special place in each others’ hearts. They are not closing their doors for a possible reconciliation. They are enjoying their time together at hindi sila nagmamadali. I totally agree. Kung sila ay talagang nakalaan para sa isa’t isa ay mangyayari ito.

I’m sure Anne and Sam had a great time working together in their movie Babe, I Love You which is now showing in theaters. The movie is directed by Direk Mae Cruz who has worked with Anne and Sam in Maging Sino Ka Man Books 1 and 2. Kumbaga, nakuha na nila ang kiliti ng bawat isa kaya komportable silang lahat sa set.

Babe, I Love You is about two people who have never thought that love can blossom right at the middle of two opposite worlds. Aminado ang dalawa that they can relate with the characters they portray on the movie because in real life, they also had a love and hate relationship. Sinabi ni Anne na may mga araw raw during their shooting that she was not in peaceful terms with Sam pero hindi naman natatapos ang araw na hindi sila nagkakaayos.

Matagal ding naghintay ang mga fans na huli silang napanood sa teleseryeng Dyosa at Maging Sino Ka Man.

Siyempre hindi maiiwasan na tanungin ang dalawa tuwing nako-korner sila ng press tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon. Natatawang tanong ni Sam, “Ba’t nagpe-pressure? Ba’t kailangan ng pressure? Iyong mga fans gusto nila na magkabalikan nga kami. If it happens, it happens.”

Nilinaw naman ni Anne ang balita na napaiyak siya sa bar matapos kunan ang madamdaming eksena nila ni Sam. “Siyempre when it’s Sam it’s a sensitive issue for me kasi siyempre kahit papaano mayroon kaming pinagdaanan ni Sam.”

The public is obviously fascinated with Anne and Sam. Mula sa kanilang mga kilig moments on-and-off screen hanggang sa kanilang deklarasyon ng “he could be the one” and “she could definitely be the one” at sa sopresang pag-iyak ni Anne sa Boy and Kris. They fell in-love while doing Maging Sino Ka Man, would they fell in-love once again after doing Babe, I Love You? Tingnan natin.

Well, we wish Anne and Sam all the best. Both are beautiful people inside and out!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

7 thoughts on “Sam Milby at Anne Curtis, ‘di nagsasara ng pinto sa isa’t-isa!

  1. naku!wag ng ipilit ang isang bagay na di totoo,bagay bga talaga sila but the truth eh di na sila at di na magiging sila….ayaw pa kasi aminin ni Anne na my bf na sya eh

  2. di pa rin matapos-tapos ang gimik at publicity stunt to hype up their movie! pustahan tayo…pagbabalikan naman ni anne at richard gutierrez ang palalabasin pag malapit na ipalabas ang movie nila with claudine!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.