SAM MILBY AND YAM CONCEPCION: Are Your Kisses Worth the Risk?

Sam Milby and Yam Concepcion (SamYam)

SAM MILBY

Real Name: Samuel Lloyd Milby
Birthdate: May 23, 1984
Zodiac Sign: Gemini

YAM CONCEPCION

Real Name: Lorraine May Concepcion
Birthdate: May 27, 1988
Zodiac Sign: Gemini 

HIT NA HIT sa mga may high blood ang tambalan nina Sam Milby at Yam Concepcion bilang Ace and Jade sa trending late-night teleserye na ‘Halik’. This being their first teleserye together, nag-hit ang kanilang pagpapakilig at later on ay pambabanas sa mga fans ng show at haters ng kanilang characters.

Kung gaano man kapusok sina Ace at Jade sa istorya, in real-life naman ay nasa committed relationship si Yam sa kanyang non-showbiz boyfriend na based abroad habang si Sam naman ay single pa rin after nilang magbreak ng kanyang model girlfriend na ngayon ay kapwa babae na ang karelasyon.

Dahil hot na hot at oozing with chemistry ang ‘SamYam’. Sa totoong buhay kaya ay risk worth-taking din na itaas na to the next level ang kanilang relationship? Check natin mga bes!

Never ending fun ang resulta ng pagsasama ng dalawang Gemini. Pareho silang matalino, may good sense of humor, mahilig sa adventure at mahilig magkuwento ng kung anu-ano. Gusto nila na may bago palagi sa kanilang ginagawa. Kapag sila ay magstick sa isang routine, nabobore sila rito at agad ay hahanap sila ng ‘something new’.

Kapag sila ang magkarelasyon, matagal ang ‘honeymoon stage’ dahil natural lang ang kanilang chemistry hindi lang sa kama kundi sa iba pang angles ng buhay. Dahil pareho ang kanilang positive traits, syempre, hindi mawawala ang negative traits. Walang perfect, huh!

Kahit pareho sila na gusto ng ‘change’, minsan ay napapagod din sila sa papalit-palit. Ang isa pang magiging problema ay hindi sila madaling magcommit. Madalas na nabibreak nila ang pangakong ito. Hindi lang ito limitado sa usapang relasyon kundi maging sa personal at trabaho. Puwede ito pag-ugatan ng away. Madalas ay mas pinapairal nila ang utak kaysa sa puso kaya kung emotional ang isa at ng isa naman ay deadma, naku, nalintikan na!

Kung sa usaping intelektuwal ay super duper push ang tambalang ito. Pagdating sa emotional ay dapat mag-proceed with caution. Mahirap magform ng emotional connection ang dalawang gemini lalo na kung umabot sila sa point na sila ay bored na sa kapares. Hindi rin sila basta-basta nagsesettle down.

Okay ang kanilang chemistry sa love, pero malakas din ang kanilang jealousy streak. Pareho pa man din sila na ‘natural flirts’. Walang effort! Mga flirts, pero madali rin magselos. Kaloka!

Well, it takes one Gemini to understand a fellow Gemini. Kung ipupush ang ‘SamYam’ in real life, ingat ingat lang din po!

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.