Sam doesn’t care about Anne

MATINDI YATA ANG labanan ngayon ng mga talk shows, lalo na ang SNN (Showbiz News Ngayon) at Entertainment Live.

Kung gabi-gabi ang pasabog nina kaibigang Boy Abunda at Kris Aquino mula Lunes hanggang Biyernes, kumukulo rin ang hatid nina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, Bianca Gonzalez at Luis Manzano.

Pero, lumalaban ang Startalk nina kumareng Lolit Solis, Butch Francisco, Joey de Leon, lalo na kapag nand’yan si Ricky Lo.

Himay-himayin natin ang pinakamaiinit na pasabog ng SNN sa loob ng nakaraang 5 araw. Hanep ang exclusive interview kay Mr. Wowowee, kahit nilulumot ang kuwento ng pagpapapirma sa kanya ng pre-nuptial wedding ng mga magulang (SLN) ni Princess Punzalan. Classic ang pagkaka-late ni Willie ng isang oras sa garden wedding nila, dahil sa matinding awa niya sa sarili. Sinipot din niya ang kasal dahil aniya, hindi niya puwedeng biguin si Princess dahil mahal na mahal niya ito nang mga panahong iyon.

Kung nasa bansa si Princess, makuha kayang ipagtapat nito ang epekto ng pre-nuptial wedding na iyon sa kanilang pagsasama? Minsan na ring naipagtapat ni Princess noon sa ilang kaibigan, including this columnist na kailangan pa niyang humingi ng schedule kay Willie noon para magkaroon sila ng intimate moments. Interesante kung aaminin nila. Inuulit ko, kung aaminin nila.

Magkagayunman, nanatiling tapat na kaibigan ni Willie nang mga panahong iyon sina Randy Santiago at Cesar Montano na kasama niya sa isang to die-for cast ng TV show na prinodyus niya.

Totoong, magiging best seller kung sakali ang “Willie Tell All” na librong isusulat niya kapag nagkataon.

KILIG-KILIGAN NAMAN ANG interview kina Angelica Panganiban at Anne Curtis nina Toni at Luis for ET. Inamin ni Angelica kung paano niya ipinagdasal sa Vatican City na sana’y salubungin siya ni Derek Ramsay pagdating niya ng ‘Pinas. Dininig ang kanyang dasal at babalik siya sa Vatican kapag kasalan na ang susunod na pag-uusapan. Ipinakilala na rin daw siya ng delicious BF niya sa parents nito. Buti na lang at hindi siya hinimatay sa matinding kaligayahan.

Kahit sinasabi ni Anne na “mas masaya” na siya ngayon after her break with Sam Milby, ipinagkakanulo siya sa pagsasabing hindi pa rin sarado ang puso niya sa posibleng pagbabalikan nila. Iyon na nga lang, mukhang dedma na ang ex niya.

BONGGANG-BONGGA NAMAN ANG follow up stories ng mga batikang reporters na sina Cristy Fermin, Lolit Solis at Manay Ethel Ramos sa scoop/ balita ng Pinoy Parazzi tungkol sa pagpapakasal ni Alma Moreno sa mayor ng Marawi City.

Hayan, nabanggit na ang gustong ilihim muna ni Alma bago maganap ang royal wedding….

SOONER THAN SOON!

Na-interview rin sina Mark Anthony Fernandez at Vandolf. Familiar na sila kay ‘Tito Mayor’ ng kanilang mommy. Kung madamdamin ang mensahe ni Mark sa bago niyang tito, nakakatawa naman ang kay Vandolf. “Naka-Luzon (meaning Joey Maquez) ka na mommy, at ngayon ay Mindanao naman. Huwag nang may sumunod pang taga-Visayas at baka awitan ka na namin ng theme song sa Wowowee.

Kung hindi persuasive, resourcefull at respetado ang mga binabanggit nating pangalan ng mga reporters, makukubinsi kaya nila si Alma to reveal what was suppose to be a “secret” pa?

Are you reading Gretchen Fulido? You can learn from them.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.