Sam Concepcion, sobra ang respeto kay Anne Curtis

Sam-ConcepcionMAYROONG MGA ginagawang pag-iwas para magsalita si Sam Concepcion kung talagang ipinahiya siya diumano ni Anne Curtis nu’ng magpang-abot sila sa birthday party ni Vice Ganda kamakailan.  Kung papaanong sinabihan diumano ni Anne si Sam na hindi siya class para pumunta sa nasabing party, marami kasi ang naniniwala na kaya talagang gawin at sabihin iyon ni Anne kung talab na siya ng nainom na alak, dahil naipahamak na nga siya ng kanyang dila.

Madaling lapitan si Sam kapag iinterbyuhin siya. Pero sa pagkakataong ito, hindi niya talaga gugustuhing humaba pa ang isyu, dahil kapatid nga si Anne ng kanyang girlfriend na si Jasmine Curtis. Kumokontak din kami sa kampo ni Sam, pero wala rin kaming sagot na makuha. Pero sa huling kuwentuhan namin ni Sam, wala silang problema ni Jasmine kay Anne tungkol sa kanilang pagliligawan, kaya nakagugulat kung talagang ipinahiya siya ni Anne.

Kilala na namin ni kasamang Alex Datu si Sam, sa magalang niyang pag-uugali. Hindi siya ang tipo ng bagets star na mahilig magpapansin para lang magkaroon ng isyu. Nakangiti lang siya palagi na bumabati ng buong paggalang. Sobra ang pagrespeto niya kay Anne bilang nakatatandang kapatid ni Jasmine.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

4 thoughts on “Sam Concepcion, sobra ang respeto kay Anne Curtis

  1. malapit ng bumulusok pababa ang karir ng babaeng to. nag~aala willie revillame na. swerte pa rin syang konti na na sting ng jellyfish. may magagamit ang kampo nya na pantakip sa kanyang kagagahan.

  2. nabangga ang kotse dahil lasing. nanampal ng kapwa artista dahil lasing. nanglait ng kapwa artista dahil lasing. anne curtis, ang babaeng baron geisler. kung nagagawa yan ni anne sa mga artista din, anupakaya sa mga ordinaryong tao lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.