Sam Concepcion, siniguro kay Anne Curtis na ‘di lolokohin si Jasmine Curtis-Smith

Sam-ConcepcionBILANG ISANG lalaki at nanliligaw, si Sam Concepcion pala ang gumawa ng paraan para maayos kung anuman ang naging sigalot sa pagitan nila ni Anne Curtis. Nanliligaw sa nakababatang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith, ayon kay Sam ay nagka-usap na sila ng masinsinan ng TV host/ actress at nauwi naman ito sa pag-aayos.

Bukod sa nabalitang mga masasakit na salitang binitawan daw ni Anne tungkol kay Sam, isa raw sa tinanong nito sa aktor ay kung bakit nito niloko ang nakababata nitong kapatid. Siniguro naman agad sa amin ng actor/singer na hindi niya niloloko si Jasmine, aalagaan niya ito at hindi siya gagawa ng anumang mga bagay na makasasakit sa kalooban nito.

Sa kuwento ni Sam sa presscon ng Chef’s Noodles kung saan kinuha siya bilang bagong endorser nito, wala silang problema ni Jasmine at hanggang sa ngayon, regular silang nagkikita. Patunay nga nito ay dumalo siya sa nakaraang 20th birthday dinner ni Jasmine nu’ng nakaraang April 6, kung saan nagkita at nagbatian sila ni Anne na lumabas pala ng araw na iyon mula sa ospital dahil sa pagkaka-sting sa box jellyfish habang nagte-taping ng Dysebel.

Nakita rin sa ibang mga kumalat na larawan sa social media ang natamong pasa ni Anne mula sa box jellyfish, ipinagdarasal ni Sam ang mabilisang paggaling ng aktres dahil alam niya kung anong panganib ang pinagdaanan nito dahil sa nangyari. Humihiling din sa ibang tao na hindi dapat sabihin ng iba na karma raw ang nangyari kay Anne dahil sa panlalait na ginawa sa kanya. Para kay Sam, hindi dapat mag-isip nang masama ang ibang tao kay Anne at walang karapat-dapat na makaranas ng ganito ang kahit na sino.

Ang pinagtatakhan lang namin kina Sam at Jasmine, kung bakit ayaw pa ng mga ito na aminin ang relasyon nila gayong hindi naman magsasalita si Anne kung wala pa silang relasyon? Ang hirap kasi sa mga artista natin, aamin lang sila kung kailan break na o kung hindi man, may nangyari nang hindi maganda at wala na silang mapagpipilian kundi ang umamin.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

One thought on “Sam Concepcion, siniguro kay Anne Curtis na ‘di lolokohin si Jasmine Curtis-Smith

Leave a Reply

Your email address will not be published.