Sam Concepcion does the ‘Todo Handa’

ISANG DEKADA NA sa showbizlandia si Sam Concepcion kaya naitatanong sa kanya kung handa na raw ba siyang sumabak sa mas mature na mga roles? Nakilala kasi ang young singer-actor sa kanyang wholesome image. Pero, ayon kay Sam, open naman daw siya to some changes especially as he gets older. Kasama kaya sa pagbabagong ito ang pagiging daring? May posibilidad kaya na gawin ni Sam ang pagrampa ng kapwa niya Stages talent na si Enrique Gil sa Cosmo Bachelor Bash at nagpasilip pa ng puwet. Ayon naman sa binata, ‘siguro’ raw at malalaman na lang kapag nandoon na siya sa puntong ‘yon at isa pa, na-inspire din daw siya sa ginawa ni Enrique especially ang pagpapakita nito ng behind, hehe! Chos! Abangan na lang natin, kung talagang may ilalabas nga itong si Sam sa Cosmo Bash next year. Malaking pasabog ‘yan ‘pag nagkataon kaya ngayon pa lang eh, tila todo sa paghahanda na raw ang ating bida? Totoo ba, Sam? Speak!

Photo by Ricky Agapito, Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

Ni MK Caguingin

Guesswhodoes
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.