Sam Concepcion and Jasmine Curtis: The Special Connection

SAM CONCEPCION
REAL NAME: Samuel Lawrence Lopez Concepcion
BIRTHDATE: October 17, 1992
ZODIAC SIGN: Libra

JASMINE CURTIS
REAL NAME: Jasmine Casandra Ojales Curtis-Smith
BIRTHDATE: April 6, 1994
Zodiac Sign: Aries

BULUNG-BULUNGAN NGAYON sa showbizlandia na may namamagitan diumano sa youth role models na sina Sam Concepcion at Jasmine Curtis. Tuwing kinukuyog sila ng press kung sila’y mag-dyowa na, pareho nilang hindi ito sinasagot nang diretso. Palaging nilang sinasabi na espesyal ang isa’t isa. Safe kung safe answer, huh!
Nasa bakuran ng Dos si Sam, habang in-demand naman sa bakuran ng Singko si Jasmine. May mga nagsasabi nga na bagay talaga ang dalawa. Parehong mabait at pagdating sa looks ay hindi naman sila nagpapatalo sa mga kasabayan nila sa biz.
With positive signs of love afloat, will this love story have a smooth-sailing journey?
Bago mag-desisyon ang Libra sa isang bagay, susuriin muna nito ang mga pros and cons ng kanyang hakbang. Ang Aries naman ay agad na umaaksyon at mamaya na niya iisipin kung tama o mali ba ang kanyang ginawa. Importante sa Libra na pakinggan ang opinyon ng iba habang sinusundan naman ng Aries kung ano ang inuudyok ng puso’t isipan. Magkaiba man sila ng pamamaraan, malaki pa rin ang tsansang mag-work at tumagal ang pagsasamang ito.

Ang kanilang relasyon ay magbabase sa emotional attraction. Ang tahimik at parelaks-relaks na personality ng Libra ay swak sa napaka-adventurous nature ng Aries. Tuturuan ng Libra ang Aries na mag-slow down at mag-isip bago gumawa ng aksyon, habang ang Aries naman ang mag-uudyok sa Libra na hindi masamang mag-enjoy at lumabas-labas para ma-expose naman sa real world. Unique man ang kanilang individual personalities, nagko-compliment naman ito sa kanila. Ang kakulangan ng isa ay p’wedeng punan ng kapares.
Matagal bago mag-desisyon ang lalaking Libra kung gogorabels na ba ito sa isang relasyon o hindi. P’wede itong ikasanhi ng pagtakbo palayo ng babaeng Aries. Ang very outgoing persona naman ng Aries ay maaaring ika-irita ng Libra lalo na kung masyadong maingay at exposed sa madla. Sa positibong anggulo, magiging protective ang Libra sa Aries. Ilalabas niya ang kanyang romantic side kaya kikiligin ang babae nang bonggang-bongga!
Ayun, o! Siguro nga’y pinangangalagaan talaga nina Sam at Jasmine ang kanilang ‘special connection’ kaya hindi nila maidire-diretso ang real score sa pagitan nila. Well, good guys deserve good girls. Sam and Jasmine truly deserve a special romantic relationship! ‘Yun na!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.