Sam and Diet’s Only Angel!

Lumelevel-up ngayon ang shows ng Kapamilya network kaya naman pursigido pa silang lalong pagandahin ang mga ipinapalabas sa telebisyon. At ngayong taon nga, bongga kung bongga ang upcoming shows nila na tipong may international touch pa, huh! Remake kasi mga kaparazzi. ‘Yun kasi ang uso ngayon noh! Harhar!

Nauna na nga riyan ang Lovers in Paris nina Papa P at KC na malapit nang ipalabas at sa Paris talaga sila nag-shooting noh. Heto pa’t go na go na rin ang remake ng hit Koreanovela noon, ang Only You. Para naman sa Pinoy version, winner ang kagwapuhan ni Papa Sam at Papa Diet bilang leading men ni Angel Locsin. Tsika nga, nasa Korea na ngayon ang buong production para sa simula ng kanilang taping.

Namataan nga ng ating pagala-galang parazzi ang tatlong bida na paalis ng bansa noong March 27. Tiyak naming enjoy na enjoy ngayon sina Sam, Diet, at Angel sa South Korea, huh! At tiyak din naming mahihirapan si Angel kung alin kina Sam at Diet ang pipiliin lalo pa’t siya lang ang nag-iisang anghel ng dalawang heartthrob. Chika lang ‘yun!

Photos by PARAZZI WIRES
by Jean Oli

loading...

8 thoughts on “Sam and Diet’s Only Angel!

  1. lahat kAYO dito minahal nyo rin si Angel, hinangaan….
    pero nabubulagan kayo kasi di nyo nakikita si Angel
    bilang isang empleyado na gustong mag-grow!!!
    karapatan nya ito bilang isang nag-tratrabaho na mamili…kayo mananatili na lang bang -papa-alipin!!!!
    tingnan nyo ginagawa kay Richard ngayon ng sarili nyang
    kompanya imbes na protektahan…sinisiraan sya…
    ganyan ba ang dapat!!!! be smart enough people….
    wag kayong papa-API!!!!!

  2. Hi parazzziii sana naman wag masyadong vias ang report nyo between mga kapuso stars at kapamilya. Its so obvious na mas kampi kayo sa Kapamilya. Lalo na kapag ang binabalita nyo is between Angel locsin at Marian Rivera. Please accept the fact na mas sikat na and Kapuso star na si Marian.

  3. Im sure hindi na magtatagal yanmg si ANGEL Locsin at magsasawa na rin yang ABS sa kanya at wala naman mga kumikitang mga show nya pasalamat nga sya magaganda mga nakakasama nyang artista kaya jahit paano pinanonood pa rin ang mga serye o movies nya.

  4. Pasalamat ka Angel at ibinibigay na partner sayo ng ABS ay mga sikat na leadingman ng Kapamilya para nga naman may manood pa kahit ayaw sayo, hahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.