Sam and Angel has hot love scene in ‘Only You’

BONGGA ANG BIRTHDAY celebration ni Angel Locsin sa “Entertainment Live!” last Saturday. Kaya lang kung kalian birthday niya, saka naman wala roon ang boyfriend niya at isa sa mga hosts ng Entertainment Live! na si Luis Manzano.

Hep,hep. Bago mag-isip ang iba ‘dyan na may LQ ang dalawa, e, hindi po. Nasa Boracay si Luis para sa isang major event ng MYX kung saan isa siya sa main VJ. Timing na rin para ma-i-promote ni Angel ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN na magsisimula na sa April 27, ang Only You.

Kuwento ni Angel, little boy ang tawag niya sa leading man niya sa Only You na si Sam Milby. Medyo nagtampo raw si Sam nu’ng tinawag siya ni Angel na little man. Baka nga naman kasi iba ang maging dating sa mga makaririnig kapag tinawag niyang little man si Sam.

Sa Korea rin pala kinunan ang love scene ni Angel at Sam?

“Awkward, kasi ‘di ba nasanay kami na kapag gagawa ng love scene medyo patapos na ‘yung istorya. Eh, ito umpisa pa lang meron na. So kami ni Sam dinadaan na lang namin sa biro kasi ang lamig-lamig pa nu’ng time na ‘yun, tapos naka-comforter lang kami. Buti na lang ito alam namin na nagwo-work lang kaming dalawa. So, tinanggal namin ‘yung ilang ‘factor,’ pero meron pa ring kaunti talaga, eh. Hindi mo maaalis. Ako ha, ‘di ako makapagsasalita for Sam, pero ako tina-try ko magpaka-pro talaga du’n,” seryosong sabi ni Angel.

Hmmm… hindi naman kaya almost naked sina Angel at Sam habang ginagawa nila ‘yung love scene sa Korea para sa Only You?

Speaking of Entertainment Live!, nakatsikahan namin ang isa rin sa hosts ng show na si Toni Gonzaga sa star-studded na birthday party ni Jobert Sucaldito sa Borromeo Steak House. Naikuwento ni Toni na ngayon pa lang siya nakatakdang pumirma ng panibagong kontrata with ABS-CBN/Stra Cinema Procuctions. Malapit na raw mag-expire ang last contract niya with ABS-CBN on June.

Wala pa rin siyang nakukuhang kumpirmasyon sa nababalitang movie project na gagawin niya with Sarah Geronimo, Rayver Cruz and Vhong Navarro sa Star Cinema at teleserye with Vhong again. Basta ang alam niya, magbubukas ulit ang bahay ni Kuya bandang July at siya ulit ang host ng Pinoy Big Brother Season 3, at susundan ng PBB Teen Edition. Hindi naman siya sure kung may Pinoy Dream Academy this year.

On a personal note, hindi man siya nasolo ng boyfriend niyang si Direk Paul Soriano nu’ng Holy Week, e, nakapag-out-of-town naman sila minus her family. Finally, nakapag-date na si Toni with Direk Paul. ‘Yun nga lang, ‘di pa rin siya nasolo ni Direk Paul dahil may mga kasama raw silang nag-swimming at snorkeling sa Batangas.

Maugong ang balitang hiwalay na ang isang prominent celebrity couple – isang TV executive si misis, politician naman si mister. Naghiwalay daw ang celebrity couple bago pa man nag-celebrate ng kanyang birthday si misis recently. May kinalaman diumano sa paghihiwalay ng mag-asawa ang pagtakbo ulit sa 2010 election ng kanyang mister na politician.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

Previous articleRichard and Lucy plans to have another child
Next articleJuday and Ryan, to be wed this April?

No posts to display