Salvage Victim, Natagpuan sa QC

NATAGPUANG NAKAGAPOS at nakasubsob sa isang bakanteng lote ang bangkay ng isang lalaking hinihinalang biktima ng summary execution sa North Fairview, Quezon City.

Nadiskubre kamakailan ang lalaki na may suot na berdeng T-shirt at itim na shorts sa taniman ng gulay sa Bryan St., Vermont Subdivision.

Wala nang ibang pagkakakilanlan ang nasabing  biktima bukod sa mga tattoo na “Totoy Ramirez,” “Egay Sabas,” “Rolly Ramos,” “Alex,” at “Marian” sa dibdib nito.

Tinatayang nasa 40 hangang 45-anyos ang hindi pa nakikilalang biktima.

Lumalabas sa pagsisiyasat  ng scene of the crime operatives (SOCO), maliban sa bakas ng tali sa paa nito, wala nang ibang nakitang marka ng pananakal o sugat sa iba pang bahagi ng katawan nito.

Sinabi ni Roldan Cornejo ng Criminal Investigation and Investigation Unit ng Quezon City Police District CIDU-QCPD) na maaaring hatinggabi o madaling-araw pa ito itinapon sa lugar.

Samantala, posibleng tinakapan ang ilong at bunganga nito para hindi makahinga na siyang posibleng dahilan ng pagkamatay nito.

Kasalukuyang isasailalim pa sa awtopsiya ang labi ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.